Simula noong February 29, 2024 ay maari ng sagutan ang mga application forms sa website ng Ministry of Interior ng (naudlot na) Decreto Flussi 2024. Narito ang mga application forms at ang mga click days!
Application forms ng Decreto Flussi 2024
Ang iba’t ibang application forms para sa Decreto Flussi 2024 – pagpasok ng mga non-EU workers at conversion ng iba’t ibang uri ng mga permit to stay – ay available na sa website ng Ministry of Interior. Napapaloob ang Decreto Flussi 2024 sa inaprubahang 3 taong programasyon ng gobyerno 2023-2025, kung saan itinalaga ang quota o bilang na 151,000 para sa taong kasalukuyan.
Ang access sa website ay sa pamamagitan ng digital identity (SPID, CIE) Ang online system para sa pre-compilation ng mga application form ay available batay sa sumusunod na schedule:
- mula Feb 29 hanggang March 16 mula 8am hanggang 8pm;
- March 17 mula 8am hanggang 6pm;
- March 19 mula 8am hanggang 8pm;
- March 20 mula 8am hanggang 6pm;
- mula March 22-23 mula 8am hanggang 8pm;
- March 24 mula 8am hanggang 6pm.
Narito ang mga Application forms ng Decreto Flussi 2024
- C-Stag – Richiesta di nulla osta/comunicazione al lavoro subordinato stagionale
- B2020 – Nulla osta/Comunicazione al lavoro subordinato non stagionale;
- A-bis – Richiesta di nulla osta al lavoro subordinato non stagionale nell settore dell’assistenza familiare e socio-sanitaria;
- B – Richiesta di nulla osta al lavoro subordinato per i lavoratori di origine italiana, residenti in Venezuela;
- VB – Domanda di verifica della sussistenza di una quota per la conversione del permesso di soggiorno per lavoro stagionale in permesso di soggiorno per lavoro subordinato
- LS – Richiesta di sussistenza di una quota di conversione in permesso di soggiorno per lavoro subordinato nei confronti di stranieri in possesso di un permesso di soggiorno UE per soggiornanti di lungo periodo.
- LS1 – Richiesta di sussistenza di una quota di conversione in permesso di soggiorno per lavoro domestico nei confronti di stranieri in possesso di permesso di soggiorno UE per soggiornanti di lungo periodo
- LS2 – Domanda di verifica della sussistenza di una quota di conversione in permesso di soggiorno per lavoro autonomo e di certificazione attestante il possesso dei requisiti per lavoro autonomo per stranieri in possesso di un permesso di soggiorno UE
Click days ng Decreto Flussi 2024
Ang click day sa pagpapadala ng mga application ay magsisimula sa mga petsang nasasaad sa DPCM ng Jnauary 19, 2024:
- mula 9am ng March 18 ay maaring i-submit ang mga aplikasyon para sa mga seasonal workers mula sa mga bansang may cooperation agreements sa Italya;
- mula 9am ng March 21 ay maaring i-submit ang mga apliaksyon para sa non-seasonal subordinate workers kasama ang domestic job;
- mula 9am ng March 25, maaaring i-submit ang mga aplikasyon para sa seasonal workers;
Decemeber 31, 2024 ang deadling ng submission ng mga aplikasyon bagaman inaasahang makalipas lamang ang ilang minuto mula sa simula ng submission ay mauubos na ang quota.
Basahin din:
- Mga dapat malaman ukol sa Decreto Flussi 2023-2025
- Click days ng Decreto Flussi 2024, naantala ng halos isang buwan