in

Appointment sa mga Italian Consulates/Embassies sa buong mundo, may bagong platform

May pagbabago sa web platform upang magkaroon ng access sa mga serbisyo ng mga Italian Consulates at Embassies sa buong mundo. Kabilang dito ang mga serbisyo para sa mga dayuhang mamamayan na nais na pumunta sa Italya para sa pag-aaral, trabaho o family reunification.

Ayon sa ulat ng Integrazionemigranti.gov.it, simula June 14, 2021, ang dating Prenota ON Line ay pinalitan na ng Prenot@Mi sa websithttps://prenotami.esteri.it.

Bagong platform para sa appointment sa mga Italian Consulates at Embassies

Ayon sa paliwanag ng Foreign Ministry, ang Prenot@Mi, ay mayroong innovative features. Bukod dito ay pinataas din ang security para sa identity authentication ng mga users at para maprotektahan ang kanilang mga personal datas, bukod pa sa pagiging friendly-user nito. 

Paano mag-book ng appointment:

  • Una sa lahat, para magkaroon ng ng maka-access ay kakailangan muna ang registration.
  • Piliin ang Consulate/Embassy kung saan nais mag-book ng appointment. 
  • Sa oras ng booking, ang mga users ay maari ring mag-upload ng mga dokumento para sa kailangang serbisyo. Ito ay magbabawas sa panahon ng pag-proseso sa counter sa araw ng appointment.

Gayunpaman, ang mga appointment na nai-book sa pamamagitan ng dating platform o ang Prenota On Line ay mananatiling balido.  

Click to rate this post!
[Total: 5 Average: 4.4]

Mix Covid vaccines sa Italya, ang Circular ng Ministry of Health

Paglulunsad ng 1Sambayan Italya, Matagumpay na naidaos