Ang mga employers ng mga colf, caregivers at babysitters ay dapat bayaran ang unang payment ng 2013. Simula ngayong taon ang ‘tempo determinato’ ay mas mataas ang bayarin.
Roma – Abril 2, 2013 – Unang deadline ng taong 2013 para sa kontribusyon ng mga colf, caregivers at babysitters. Ang mga employers ay kailangang bayaran ang kontribusyon sa Inps hanggang sa itinakdang deadline nito sa April 10, para sa buwan ng Enero, Pebrero at Marso.
Ang pagbabayad ay maaaring gawin online sa pamamagitan ng www.inps.it, sa mga tobacconist o mga post offices, gamit ang mga postal bills buhat sa tanggapan ng Inps na ipinadala sa mga employers. Ang sinumang hindi nakatanggap ng postal bills ay maaaring kunin ito ng personal sa tanggapan o maaari ring hingin ito sa pagtawag sa toll free number 803164.
Ang halaga ng kontribusyon ay nag-iiba base sa buwanang sahod at para sa higit sa 24 hrs per week ay mayroong diskwento. Tumataas din ang halaga kung ang kontrata ay ‘tempo determinato’.
Narito ang table para sa taong 2013.
Para sa mga kontrata na TEMPO INDETERMINATO |
|||
SAHOD PER HOUR |
HALAGA NG KONTRIBUSYON PER HR |
||
actual |
conventional |
Inclusive CUAF |
Exclusive CUAF (1) |
hanggang sa € 7,77 higit sa € 7,77- hanggang sa € 9,47 higit sa € 9,47 |
€ 6,88 € 7,77 € 9,47 |
€ 1,37 (0,35) (2) € 1,55 (0,39) (2) € 1,89 (0,47) (2) |
€ 1,38 (0,35) (2) € 1,56 (0,39) (2) € 1,90 (0,47) (2) |
Oras ng trabahohigit sa 24 hrsper wk |
€ 5,00 |
€ 1,00 (0,25) (2) |
€ 1,00 (0,25) (2) |
Para sa mga kontrata na TEMPO DETERMINATO |
|||
SAHOD PER HOUR |
HALAGA NG KONTRIBUSYON PER HR |
||
actual |
conventional |
Inclusive CUAF |
Exclusive CUAF (1) |
hanggang sa € 7,77 higit sa € 7,77- hanggang sa € 9,47 higit sa € 9,47 |
€ 6,88 € 7,77 € 9,47 |
€ 1,47 (0,35) (2) € 1,66 (0,39) (2) € 2,02 (0,47) (2) |
€ 1,48 (0,35) (2) € 1,67 (0,39) (2) € 2,03 (0,47) (2) |
Oras ng trabaho higit sa 24 hrsper wk |
€ 5,00 |
€ 1,07 (0,25) (2) |
€ 1,07 (0,25) (2) |
(1) Ang halaga ng CUAF (Cassa Unica Assegni Familiari) ay hindi babayaran kung ang employment ay sa pagitan ng mag-asawa o sa pagitan ng mag kamag-anak hanggang third degree na kapisan, kung saan kinikilala ng batas (art 1 ng DPR Dis 31, 1971, bilang 1403).
(2) Ang halaga sa loob ng parenthesis ay ang halagang dapat bayaran ng worker.