Ang layunin ng inisyatiba ‘Start it up’ ay upang magbigay ng mga pangunahing kaalaman para sa start-up ng isang negosyo at ng self employment sa pamamagitan ng isang structured orientation, information at formation.
Roma, Abril 16, 2012 – Dalawang linggo na lamang ang nalalabi sa pagsasara ng announcement ng isang public competition na tinawag na ‘Start it up’, isang proyekto ng Unioncamere at pinondohan ng Ministry of Labor at Welfare, para sa lungsod ng Roma at sa mga probinsya nito, sa pakikipagtulungan ng Camera di Commercio della Capitale sa pamamagitan ng Asset Camera, ang espesyal na ahensya nito.
Ang inisyatiba, ay para sa mga non-EU nationals na mayroong hustong gulang, may trabaho o wala, mayroong permit to stay na balido at least 6 months at naglalayong magbigay ng mga basic knowledge para sa start-up ng isang negosyo at self employement sa pamamgitan ng isang structured orientation, information at formation, at pagkatapos ay magbibigay tulong din sa paggawa ng isang business plan.
Ang Chamber of Commerce ng Roma, sa tulong at suporta ng Asset Camera, ay nagbibigay ng mga support programs sa paglikha at pagsisimula ng negosyo sa pamamagitan ng mga interviews upang masuri ang pagiging qualified o pagkakaroon ng sapat na mga requirements at ang evaluation ng admissibility ng naghahangad maging negosyante at pagsusuri ng mga entrepreneurial capabilities, entrepreneurship seminars at formation, elaboration ng mga business plans.
Nasasakop rin ng proyekto ang ilang lungsod tulad ng Ancona, Bari, Bergamo, Catania, Milan, Turin, Udine, Verona at Vicenza. Ang deadline para sa pagsusumite ng mga aplikasyon ay sa Abril 30, 2012. Para sa karagdagang impormasyon at para i-download ang entry form ay maaaring sumangguni sa website ng Cciaa o Roma Chamber of Commerce, www.rm.camcom.it.