Simula noong Sept 4 ay para na rin sa mga carta di soggiorno holders. Ito ay nakalaan sa mga malaking pamilya at mayroong (at least) 3 anak at mababang sahod.
Rome – 6 Set 2013 – Maging ang mga non-EU nationals na carta di soggiorno holders ay maaari ng mag-aplay sa tinatawag na assegno dei comuni per I nuclei familiari numerosi simula noong September 4.
Ang pagbabago ay nasasaad sa legge europea 2013 kung saan tuluyang binubuwag ang diskriminasyon, tulad ng nasasaad sa regulasyon ng EU, sa pamamagitan ng salitang “lungosoggiornanti”. Bukod dito, ang mga korte sa Italya, bago pa man ipatupad ang nasabing batas, ay sinimulan na rin ang pagtanggap sa mga apila ng sinumang tinanggihang makatanggap ng benepisyo, at sapilitang pinabibigyan sa mga Comune ang dapat na makatanggap ng ‘assegno’.
Bilang karagdagan, bukod sa carta di soggiorno, ang mga non-EU nationals ay nararapat ding nagtataglay ng mga requirements tulad ng mga Comunitariars at Italians o ang pagkakaroon ng (at least) 3 anak at ang pagkakaroon ng sahod o kita na hindi sasapat sa mga pangangailangan ng buong pamilya. Simula ngayong taon, halimbawa, isang pamilya na mayroong 5 miyembro , (3 anak na minor), ay dapat na nagtataglay ng ISE o economic situation indicator – na hindi lalampas sa 24.377,37 euros.
Ang Inps ay agad namang sumunod at nag-upadte ng kanilang website, kung saan simula Sept 4 ay makikiatng nasusualt ang “may karapatang makatanggap ng ‘assegno per nucleo familiare dei Comuni ang mga non-EU nationals na residente ng mahabang panahon o soggiornanti di lungo periodo. Sa nabanggit na pahina ay matatagpuan ang lahat ng mga mahahalagang impormasyon para sa pagaa-aplay sa benepisyo.