Bagong hatol ng hukom ng Pescara: "Sa mga dayuhang matagal na naninirahan sa Italya, parehong karapatan tulad ng mga EU nationals”. Ngunit ang INPS ay patuloy na tumututol, at ang gobyerno ay patuloy ang pananahimik.
Rome – Abril 12, 2013 – Ang INPS ay nagmamatigas, ang mga munisipyo ay humihingi ng paglilinaw buhat sa gobyerno na patuloy naman ang pananahimik. Ang mga hukom, sa kabilang banda, ay malinaw sa kanilang mga pahayag: ang allowance para sa malaking pamilya o ang tinatawag na assegno per le famiglie numerose ay para sa mga non-EU nationals din, kung mayroong EC long term residence permit o ang dating carta di soggiorno.
Ang pinakahuling hatol buhat sa hukom ng Pescara, na ilang araw lamang ang nakakalipas ay tinanggap ang apela buhat sa isang imigrato, residente sa Montesilvano laban sa Inps at sa Munisipyo. Ang imigrato, may 3 anak at may isang maituturing na mababang sahod ngunit carta di soggiorno holder, ang tinanggihang bigyan ng tulong dahil ang nasabing allowance ay para lamang diumano sa mga Italians at EU nationals.
At ito rin ang patuloy na makikita sa website ng Inps, kung saan mababasa na “mayroong karapatan sa assegno per il nucleo familiare dei Comuni ang mga mamamayang italyano at EU nationals na residente sa bansa lamang”. Isang bersyon na hindi pinapanigan ng iba’t ibang hukom tulad ng Milan, Gorizia, Padova at Rome dahil ang mga dayuhang mamamayan na mayroong EC long term residence permit, ayon sa european directive n. 3/2007 ay may pantay na karapatan tulad ng mga EU nationals sa pagtanggap ng mga social benefits.
Ganito rin ang pananaw ni Carlo Maffei, isang hukom ng paggawa sa Pescara, at para sa kanya ang Inps at ang munisipyo ng Montesilvano ay nagsagawa ng isang diskriminasyon. Samakatwid, tulad ng mababasa sa hatol na inilathala ng Associazione Studi Giuridici sull’Immigrazione, ay hinatulan ang parehong tanggapan na ipagkaloob sa imigrato ang benepisyo, kasama ang anumang interes hanggang sa kasalukuyan.
Sa tema ay naging bahagi rin ang Associazione Nazionale dei Comuni Italiani simula nakaraang Enero, na tila naiipit sa indikasyon buhat sa Inps at sa hatol na ibigay ang benepisyo bukod sa pagbabayad din ng naging legal expenses nito. Ang Anci, samaktawid, ay humiling sa gobyerno ng isang direktiba na maglilinaw at magtatalaga ng mga regulasyon na hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring natatanggap na kasagutan.