in

Assegno famiglie numerose, sapat na ang permit to stay na balido sa trabaho

Ang  pagtatanggal bilang requirements ng carta di soggiorno ay isang european directive, paliwanag ng ASGI. Aplikasyon sa mga Comune hanggang Enero 31. 
 

Rome – Enero 19, 2015 – Tulong pinansyal hanggang 141,02 euros kada buwan sa loob ng 13 buwan. Ito ang tulong buhat sa Comune na nakalaan sa mga pamilya na mayroong hindi bababa sa 3 anak na menor at mababang sahod. 
 
Ang aplikasyon para sa ‘assegno per famiglie numerose’ ay isusumite sa Comune hanggang Enero 31 ng sumunod na taon ng taong ina-aplay (hal ang deadline ay Enero 31, 2015 kung ang aplikayson ay para sa taong 2014). Ang deadline ay nalalapit na kung kaya’t ipinapayong alamin ang mahahalagang impormasyon. 

 
Ang Inps, na nagbibigay ng allowance, ay naglathala sa kanilang website na ang ‘assegno’ ay nakalaan sa mga ‘pamilyang italyano at europeo  na residente‘, at ‘sa mga mamamayan ng third countries na matagal ng naninirahan o ‘ lungo soggiornanti’. Samakatwid, ang mga non-EU nationals ay kailangang mayroong carta di soggiorno”. 
 
Ngunit, ganito ba talaga ang hinihingi ng batas? Hindi, ang paliwanag ng Asgi o Associazione per gli Studi Giuridici sull’Immigrazione, batay sa EU Directive 2011/98. Ang Italya ay dapat ipinatupad umano ito hanggang Dec 31, 2013 at kung hindi man, simula sa petsang nabanggit ay kailangan umanong ipinatupad at sinunod ito. 
 
Kinikilala ng Directive “sa lahat ng mga non-EU workers ang mga social benefits  na ipinagkakaloob sa mga mamamayan ng host country”. Kabilang dito ang carta acquisti, ang assegno dei comuni per la maternità at ang assegno per i nuclei familiari numerosi.
 
Ang required na carta di soggiorno ay samakatwid hindi na kailangan. Sapat na umano ang permit to stay na nagpapahintulot makapag-trabaho ang mga dayuhan, tulad ng  permesso per motivi di lavoro, per attesa occupazione, per motivi di famiglia o per protezione umanitaria. 
 
"Ang sinumang mayroong ordinaryong permit to stay na balido upang makapag-trabaho at ilang hinihinging requirements ay maaaring magsumite ng aplikasyon sa mga Comune hanggang sa Enero 31”, paliwanag ni Atty. Alberto Guariso, na bahagi ng Council of Directors ng Asgi. Ang nasabing asosasyon ang syang nangunguna sa mga kampanya ukol sa proteksyon ng mga imigrante pagdating sa social benefits. 
 
Mayroong mga Comune, tulad ng Brescia at Verona, na kumilala na sa nabanggit na directive 2011/98, ang ilan naman ay napilitang gawin ito sa pamamagitan ng mga hukuman kung saan ang mga dayuhan ay dumulog. "Gayunpaman,  mahalaga na mag-aplay bago ang itinakdang deadline, kung hindi, ay mahirap na ipaglaban ang mga karapatan" bigay-diin ni Guariso.
 
Ngunit ano ang gagawin kung sakaling tanggihan ng operator ang aplikasyon? “Kailangang ipadala ito sa pamamagitan ng registered mail bago ang deadline. Pagkatapos, kung ito ay tanggihan o hindi man sagutin – dagdag pa ng Asgi, ay maaaring lumapit sa anti-discrimination service n gaming asosasyon”. 
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

‘Buoni lavoro’ o ‘voucher’, sapat ba sa renewal ng permesso?

Pinay caregiver, namatay sa sunog