in

Assegno per famiglie numerose, ibibigay ng Inps simula Enero 2013

Matapos ang hatol ng Korte ng Milan ay tinanggal ang diskriminasyon laban sa mga carta di soggiorno holders. Ang benepisyo ay maaaring umabot ng 140 € bawat buwan.

Roma – Agosto 25, 2014 – Bahagyang nagtagal, ngunit sa wakas ang tanggapan ng Inps ay ipagkakaloob rin ang assegno per le famiglie numerose sa mga pamilyang mayroong EC long term residence permit o carta di soggiorno maging sa unang anim na buwan ng taong 2013. 

Ang allowance for big families ay nakalaan para sa mga pamilyang mayroong hindi bababa sa tatlong menor de edad na mga anak. Ang halaga nito ay nag-iiba, depende sa bilang ng miyembro at maging sa sahod ng pamilya. Taun-taon ay nagkakaroon ng pagbabago sa halaga nito batay sa cost of living. Sa taong kasalukuyan ay 141,02 ang maximum amount kada buwan sa loob ng 13 buwan. Ang aplikasyon ay isinusumite sa Comune kung saan residente ang aplikante.

Nitong nakaraang Mayo, matapos tanggapin ang apila ng mga asosasyon ng Asgi at Avvocati per Niente, ang Korte ng Milan ay tinutulan ang hindi makatarungang diskriminasyon at ang pagkilala sa benepisyo sa mga pamilyang dayuhan simula Hulyo 2013 lamang.

Inaksyunan ito ng Hukom at inutusan ang mga Comune at tanggapan ng Inps na tanggapin rin ang mga aplikasyon para sa unang anim na buwan ng 2013. Bilang tugon, nitong Agosto ay naglabas ang Inps ng isang circular kung saan nasasaad “ang pagbibigay ng benepisyo para sa panahong nabanggit”.  

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

MGA DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA EBOLA VIRUS

3,9 milyon – mga non-EU nationals sa Italya noong 2013