in

Assegno per le famiglie numerose, ibibigay sa mga imigrante para sa buong taon ng 2013

Ang hukuman ng Milan : "Diskriminasyon ang limitahan ang karapatan”. Ang mga Comune ay dapat tanggapin ang mga aplikasyon, ang Inps ay dapat ibigay ang benepisyo.  

Roma – May 27, 2014 – Ang mga imigrante na mayroong EC long term residence permit o ang carta di soggiorno ay may karapatan sa assegno per le famiglie numerose ng mga Comune tulad ng mga Italians. At maaaring hingin ito para sa buong taon ng 2013, at hindi lamang para sa first semestre ng nakaraang taon.

Ito ay ayon sa tribunale di Milano na matapos i-follow up ang inihaing reklamo ng mga asosasyon ng Asgi at Avvocati per niente ay sinabing isang diskriminasyon ang naging pag-uugali ng Inps ukol sa pagbibigay ng nasabing kontribusyon.

Ang assegno per le famiglie numerose o allowance para sa mga malalaking pamilya, ay orihinal na nakalaan para sa mga mamamayang italyano lamang at EU nationals ay pinalawak – matapos ang mahabang legal na proseso sa pangunguna pa rin ng 2 asosasyon at ibinatay sa prinsipyo ng pantay na pagtingin ng batas 2003/109 – sa mga EC long term residence permit holders sa batas 97/2013, ang “European law”.

Ang INPS at ang Ministry of Labour – sa kabila ng alam na ang karapatan ay mula sa Directive at samakatwid ay pinaiiral na bago pa man ang pagbabago ng batas – gayunpaman ay mabilis na kinumpirma na ang benepisyo ay ipagkakaloob lamang mula Hulyo 2013 dahil sa pinansiyal na dahilan. Dahil dito, sa mga dayuhan, bigay-diin ng Asgi at Apn ay hindi makatwirang ipinagkakait ang kalahati ng benepisyo na dapat ibigay na humigit-kumulang na €1000.

Bukod dito ang sumunod na mga pangyayari ay tunay na nakakalito dahil ang ilang Comune ay nagpapadala ng pangalan ng dayuhan sa Inps, pagkatapos nito ay ang pagtanggap ng benepisyo para sa isang buong taon (matapos ang pagpapadala ng pangalan ay ang pagbibigay ng tulong pinansyal), ang ibang Comune naman, sa paghihintay ng paglilinaw, ay ipinapadala ang pangalan ngunit ang benepisyo ay para lamang sa second semester. May nagbabalita rin na ang Inps sa Bergamo ay hinihingi o binabawi ang naibigay na benepisyo para sa first semester mula sa dayuhan sa kabila ng pagkilala ng Comune sa karapatan para sa buong taon.

Ngayon ang Hukuman ng Milan ay kinumpirma ang pagkakaroon ng karapatan ng lahat ng mga dayuhang may carta di soggiorno para sa buong taon ng 2013 at idineklarang isang diskriminasyon ang Circular ng Inps n. 4 noong Jan 15, 2014 “kung saan nababanggit na ang karapatan sa benepisyo ay magsisimula mula 1 July 2013 at nagsasaad na ang mga Comune ay aaksyon at bibigyang solusyon ang pagtanggap sa mga aplikasyon na para sa second semester lamang”. At samakatwid ay initusan ang Inps na itigil ang diskriminasyon at pawalang bisa ang circular ukol dito sa pamamagitan ng pagbibigay ng anunsyo sa website nito.

Ang epekto ng naging desisyon, bigyang-diin Asgi at Apn, ay malinaw at agaran. Ang Inps ay kailangang agad (sa ilalim ng penal sanctions) na tanggalin ang circular upang ang mga Comune ay tumanggap ng mga aplikasyon para sa buong taon at mabilis na ipadala sa tanggapan ng Inps upang mabilis ring matanggap ang benepisyo.

"Ang aming asosasyon – sa kanilang pagtatapos – ay kumikilos upang mabilis na ipatupad ang naging desiisyon at tapusin na ang mahaba at walang saysay na hindi pagkakaunawaan na naglalagay sa mga dayuhan sa isang posisyon ng walang saysay na paghahabla upang kilalanin ang kanilang karapatan ng mga Hukuman at kamakailan maging ng Strasbourg court. "

Basahin ang opinyon ng Associazione per gli Studi Giuridici sull’Immigrazione

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

PROMOTING VIGAN AS ONE OF THE NEW SEVEN WONDER CITIES OF THE WORLD

Milan PCG Hiring for Overseas Voter Registration