in

Assegno sociale – 5750 euros, halagang kinakailangan upang manatili sa Italya

442.30 € per month ang halaga ng social allowance o assegno sociale para sa mga senior citizen na nangangailangan, ngunit mahalaga rin itong pamantayan para sa permit to stay, family reunification (at iba pa) ng mga imigrante.

Roma – Pebrero 8, 2013 – 442.30 bawat buwan  para sa 13 buwan ay aabot sa 5749,90 kada taon. Ito ay ayon sa Inps na nagtalaga ng halaga ng assegno sociale para sa taong 2013: isang pinansyal na tulong para sa mga senior citizens na higit na nangangailangan at mahalagang panuntunan naman para sa mga imigrante. 

Ang benepisyo ay nakalaan para sa mga Italyano at EU nationals na naninirahan sa Italya na hindi bababa sa 10 taon, may edad na 65 at 3 buwan at may sahod na mas mababa sa halaga nito. Ang mga non-EU nationals ay maaaring makatanggap nito kung nagtataglay bukod sa mga nabanggit na requirements ng long term residence permit o carta di soggiorno. 

Bukod sa mga senior citizens, ang halagang ito ay mahalaga sa lahat ng mga dayuhan sa Italya. Sa katunayan, ito ay ang pamantayan ng batas upang suriin ang pang-ekonomiyang kapasidad na sumasaklaw sa kanilang pamumuhay sa Italya.

Ang isang non-EU national, halimbawa, upang ma-renew ang permit to stay, o makapag-aplay para sa carta di soggiorno ay dapat patunayan ang pagkakaroon ng sahod o kita na katumbas ng assegno sociale, o ng 5749,90 euros. Kung mag-aaplay naman ng family reunification upang makuha ang asawa sa Italya, ang sahod ay hindi dapat na bababa sa 1.5 beses ng nasabing benepisyo, o katumbas ng € 8624.85  (5749.90 X 1.5).

Ito ay mahalaga din para sa mga Romanians, Polish at iba pang mga mamamayan ng EU, upang manatili sa Italya nang higit sa tatlong buwan na dapat mapatunayan ang pagkakaroon ng sapat na mapagkukunan upang masuportahan ang pansariling mga pangangailangan. Magkano? Halagang katumbas ng assegno sociale.

Ipinapayong tandaan ang halagang ito.

 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Citizenship – “Maaring pag-usapan o marahil ay hindi” – Berlusconi

Regularization: 10,000 accepted at 10,000 rejected