in

Assegno sociale para sa taong 2014 – 5819 euros

Itinalaga ng Inps ang halaga ng assegno sociale para sa taong 2014. Ito ay isang tulong sa mga senior citizens na mas nangangailangan. Mahalaga ito para sa mga imigrante dahil ito ay ang pangunahing requirememts para sa mga permit to stay, family reunification at iba pang dokumentasyon sa bansa.

Rome –  Enero 24, 2014 – Binago, tulad sa mga nakaraang taon, ang halaga ng assegno sociale. Ito ay isang tulong pinansyal sa mga nakatatanda, at mahalagang aspeto para sa lahat ng mga dayuhan sa bansa. 

Simula  noong Enero 1, 2014, ang assegno sociale ay nagkakahalaga ng € 447.61, na multiplied by 13 ay € 5818.93. Isang pagtaas ng 1.2%, paliwanag ng Inps sa isang circular na inilabas ng tanggapan.

Ang assegno sociale ay ibinibigay sa mga mamamayang Italyano at mga EU nationals na hindi bababa sa 65 anyos at tatlong buwang taong gulang at mayroong sahod o kita na mas mababa sa halaga nito. Samantala, ang mga non-EU nationals ay maaari ring makatanggap nito, bukod sa pagkakaroon ng mga requirements na nabanggit ay kinakailangang carta di soggiorno holders.

Bukod sa mga beneficiaries, ang halaga ng assegno sociale, sa katunayan, ay mahalaga rin sa lahat ng mga dayuhan sa Italya. Ito ay ang pamantayan na ginagamit ng batas sa pagsusuri ng kakayahang pinansyal sa karamihan ng dokumentasyon ng mga dayuhan sa bansa.

Halimbawa, ang imigrante na nagnanais na mag-renew ng permit to stay o mag-aplay ng EU long term residence permit (carta di soggiorno) ay kailangang patunayan ang pagkakaroon ng yearly income na katumbas ng halaga ng assegno sociale o  € 5818.93. Sa pag-aaplay naman ng family reunification, upang makuha ang asawa sa Pilipinas at makasama sa Italya, ay kailangang mayroong yearly income ng € 8728.40, o higit ng 1.5 ng halaga ng assegno sociale. (€ 5818.93 X 1.5).

Ang halagang ito ay importante rin sa mga EU nationals dahil upang manatili ng regular sa bansang Italya ng higit sa 3 buwan ay kailangang mapatunayan ang pagkakaroon ng sapat na mapagkukunang pinansyal. Ang pamantayan ay nananatiling ang halaga ng assegno sociale o € 5818.93.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Drive in Italy, online course ng road safety rules

Consiglieri Aggiunti – Magkakaroon ng 2 sa Parma at sa Roma ay naghihintay pa rin sa petsa ng eleksyon