in

Attesa Occupazione, pinaikli ang validity sa mga nawalan ng trabaho

Ang permesso di soggiorno per attesa occupazione ay balido ng isang taon ngunit sa Milan, ang kalkulasyon ay mula sa petsa ng nawalan ng trabaho. Bove (Cisl): “Dahil dito ay dumadami ang nagiging undocumented ulit”.

 

Roma, Disyembre 2, 2015 – Nawalan na ng trabaho, mawawalan pa ng karapatang manatili sa Italya. Ito ang dobleng epekto sa panahon ng krisis sa ekonomiya sa mga manggagawang dayhan sa Italya.

Sa taong 2014 lamang, higit sa 150,000 mga permit to stay na napaso at hindi na nai-renew. Sa malaking bahagi ng bilang na nabanggit ay hindi na maaaring ma-renew pa ito dahil sa kawalan ng sapat na sahod. Ang mas maliit na bahagi ay tuluyan ng bumalik sa sariling bansa at ang ilan naman ay nakikipagsapalarang tulad ng maraming undocumented sa bansa.

Ang batas ay nagbigay ng bahagyang pagkakataon. Sa katunayan, ang sinumang nawalan ng trabaho ay maaaring magkaroon ng permesso di soggiorno per attesa occupazione na balido ng isang taon. Isang paraan upang bigyan ng sapat na panahon sa paghahanap ng panibagong trabaho. Sapat ba ang isang taon? Hindi, ngunit tila ang mga Questure ay pinaikli pa ito ng husto.

Dito sa Milan ay parami ng parami ang mga nare-rejected na permit to stay. At ang attesa occupazione ay karaniwang nagiging sanhi ng mas mahirap na sitwasyon ng mga imigrante: kinakalkula ang taon kung kailan nawalan ng trabaho at hindi mula sa expiration date ng permit to stay”, reklamo ni Maurizio Bove, Immigration Officer ng CISL.

Sa ganitong kalkulasyon, ang permesso per attesa occupazione ay magiging balido lamang ng ilang buwan o maaari na ring tanggihan ang releasing nito. Ayon pa sa Immigration Officer, iba-iba umano ang interpretasyon ng mga Commissariato o tanggapan ng pulisya, dahilan ng pagsusulong ng kanilang reklamo.

Ito ay isang paghihigpit – dagdag pa ni Bove – na kabaligtaran sa hinahangad na integrasyon. Biktima ang mga nawalan ng trabaho na nagpaparami sa bilang ng mga irregulars“.

Ang mga regular ay walang kasalanang nagiging irregular at samakatwid napapabilang sa mga naka-pila sa decreto flussi o sa sanatoria na inaasahang magbibigay-daan upang maging regular muli. Ang kanilang paghihintay ay maaaring magtagal, ngunit sa kasalukuyan, ang kanilang nag-iisang mapagkukunan ay ang ‘lavoro nero’.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Naspi, pinadali ang requirements para sa mga colf

Ginang Pilipinas – Italia 2015