in

Autocertificazione para sa mga imigrante, ipinagpaliban muli!

Ipinagpaliban muli ang paggamit ng self-declaration o autocertificazione para sa mga permit to stay at ilang dokumento ukol sa imigrasyon. Ang Public Administration ay bigo sa paglalagay ng koneksyon sa mga data base. 

Roma, Enero 27,2014 – Magpapatuloy ang pagpila ng mga imigrante sa tanggapan ng public administration para sa isang dokumentong isusumite sa ibang tanggapan ng public administration. Ito ay dahil sa pagpapaliban muli ng legge di semplificazione para sa mga imigrante.

Isang simpleng paraan sa simula ngunit sa ngayon ay tila hahantong sa isang labirint, puno ng extension. Subukan nating balikan ang mga pangyayari.

Isang batas ang ipinapatupad simula 2012, ang nagsasaad na ang mga tanggapang publiko ay hindi na maaaring humingi o mag-isyu ng mga sertipiko na naglalaman ng mga impormasyon na tinataglay na ng Public Administration. Hal: ang Inps ay hindi na maaaring humingi ng certificate of family composition, sa halip ay dapat tanggapin ang self-certification at susuriin ang nilalaman nito sa anagrafe.

Ngunit ang parehong batas, gayunpaman, ay mayroong limitasyon at hindi balido sa ilang partikular na probisyon ng batas at regulasyon na namamahala sa imigrasyon at sa katayuan ng mga dayuhan".

Halimbawa: kung magre-renew ng permit to stay para sa pag-aaral, kailangang dalhin sa Questura ang isang sertipiko ng unibersidad na nagsasabi na maayos at regular ang sitwasyon ng mga exams, at kung mag-aaplay ng permesso di soggiorno per attesa occupazione ay kailangang dalhin ang sertipiko ng pagpapatala sa lista di collocamento.

Ang limitasyong ito noong 2012 ay dahil sa kawalan ng wastong koneksyon sa pagitan ng Questura, Unibersidad at Centro per l’impiego na magpapahintulot sa madaling pagsusuri ng self-certification na isusumite ng mga dayuhang mamamayan.

Isang sitwasyon, gayumpaman, ay inasahang pansamantala lamang kung kaya’t spring ng 2012, isa pang batas ang nagtanggal sa limitasyon na ito, na nagsasaad na ang paggamit ng self-certification ay maaari ring gamitin sa mga dokumentasyon ng mga imigrante. Ang bagong balita ay dapat sanay sinimulan noong Enero 1, 2013, upang bigyan ng sapat na panahon ang public administration upang lagyan ng konesksyon ang mga data base.

Ang koneksyon na ito, ay tila mas mahirap kaysa sa inaasahan. At nagpatuloy ang pagpapaliban: sinimulan noong June 30, 2013, pagkatapos ay isa pang pagpapaliban noong Dec 31, 2013. Mayroong mga umasa na sisimulan ito sa tong 2014, ngunit nanatiling bigo.

Sa kasalukuyan, kailangan lamang ang pumila. Hanggang kailan? Ayon sa dekreto hanggang June 30, 2014, ngunit nananatiling mahirap ng paniwalaan pa ito.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Consiglieri Aggiunti – Magkakaroon ng 2 sa Parma at sa Roma ay naghihintay pa rin sa petsa ng eleksyon

“Mas kaunting entries mula sa ibang bansa, trabaho sa mga nawalan ng trabaho sa Italya” – Ministry of Labor