Maaaring makansela sa Registry Office (anagrafe), magiging problema ng sinumang magre-request ng citizenship o hihiling ng publikong pabahay (casa popolare). Mayroong gabay sa iba’t ibang wika.
Rome – Mapapahamak ang sinumang magtatapon o hindi sasagot sa questionnaire ng Census 2011. Nanganganib ng malaking multa bukod sa pagbubura sa Registry Office.
Ang pagsagot ng mahusay sa mga katanungan ay isang obligasyon ayon sa batas at maaaring maparusahan ang sinumang hindi sasagot o ang sinumang hindi sasagot ng katotohanan. Ang batas 322 ng 1989 ay nagsasaad na ang sinumang hindi magbibigay ng personal na impormasyon o sasadyaing hindi tama o hindi kumpleto ay makakatanggap ng isang multa mula 206 hanggang 2065 euro.
Ito ay hindi dapat mangyari. Ang mga tanggapan sa bawat munisipalidad ang kokolekta sa mga questionnaires ang dapat na makipag-ugnayan sa sinumang hindi sasagot o magbibigay ng maling impormasyon at ang magbibigay babala na gawin ang tungkulin o ang pagtatama sa mga kasagutan.
Ngunit kung ang sitwasyon ay hindi mababago, ang mga ito ay mag-uulat sa prefek at magbibigay ng multa.
Para sa mga migrante, ay mayroong mas mabigat na parusa. Dahil ang census ay gagamitin din upang i-update ang listahan ng Registry office, ang mga hindi tutugon ay maaaring matanggal sa listahan at hindi na mapabilang sa mga residente sa Italya. Ito ay maaaring magpaglubha ng sitwasyon, halimbawa, sa bilang ng mga taon ng paninirahan ay kinakailangan para sa citizenship o makatanggap ng mga abiso ng publikong pabahay (case popolare).
Ang mga hindi nakatanggap ng questionnaire ay walang dapat ikatakot.
Ang hindi pagdating ng questionnaire ay maaring dahil sa isang maling address na nakatala sa registry o maaring nagkaroon ng panibagong tirahan kamakailan.
Sa mga ganitong kaso, ayon sa website ng Istat, ay maaaring magtungo sa isa sa mga sentrong nangongolekta ng questionnaires (impormasyon sa toll free number 800 069 701) para humingi ng isa o maaaring maghintay sa isang detector na maghahatid ng qustionnaire sa inyong tahanan. Ang mga detektor ay magsisimulang magbahay-bahay magmula sa Nobyembre 21, 2011.