in

Bagnasco: “Matutunan ang wikang italyano para sa tunay na integrasyon”

“Hindi lamang sa loob ng komunidad ngunit higit sa labas”

Genoa, Pebrero 13, 2012 – “Ang matutunan ang wikang italyano ay pangunahing kinakailangan sa trabaho, para sa integrasyon at ang batayan para sa pagtataguyod ng isang magandang relasyon, hindi lamang sa loob ng komunidad ngunit lalong higit sa labas.”

altGanito ang naging pahayag ng archbishop ng Genoa at presidente ng CEI, Cardinal Angelo Bagnasco, sa kanyang pagbisita sa paaralan ng wikang Italyano at sa paaralan ng Kapayapaan ng Komunidad ng Sant’Egidio, sa makasaysayang sentro ng Genoa, sa pastoral visit nito noong nakaraang  Sabado.

Ang kardinal, na nakapiling ang isang klase ng mga adults students at isang grupo ng mga bata mula sa iba’t-ibang nationalities na nag-aaral sa paaralan, ay nagpahayag na “mabuting makatagpo ng mga tao na malugod, magalang at mapagmahal sa atin,” tulad ng mga boluntaryo ng Komunidad ng Sant’Egidio. Ang paaralang libre ng wikang italyano, itinatag noong 1986, at mayroong 19 na klase at ngayon ay umabot na sa 10,000 ang nagpatala, halos 500 mag-aaral bawat taon.

“Ako ay masaya – sabi pa ni Cardinal Bagnasco sa pagsasalita sa harap ng mga imigrante – na kayo ay masaya dito at umaasa ako na maaari nyong ipagpatuloy ang pakiki-isa sa Komunidad ng Sant’Egidio sa pamamagitan ng pagkakaibigan at kapatiran.”

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

QC health office , mamimigay ng condoms sa Valentine’s Day

Contratto di soggiorno, hindi na kailangan ayon sa batas