in

Bagong batas sa asylum at illegal migration, ipinatutupad na

Opisyal na inilathala ang decreto legge. Magbabago ang proseso sa international protection program, mababawasan ng isang antas sa apila ng mga rejected applications. Magkakaroon ng mga bagong Centri di Permanenza per i Rimpatri.

 

Pebrero 20, 2017 – Inilathala kamakailan sa Official Gazzette at ipinatutupad simula noong Feb 18, ang  decreto-legge 17 febbraio 2017, n. 13 o mga probisyon upang mapabilis ang proseso ng international protection program pati na rin ang malabanan ang illegal migration.

Kabilang sa maraming nasasaad sa dekreto, ay ang pagtataguyod ng special section para sa imigrasyon at asylum sa 14 na hukuman sa Italya. May pagbabago rin sa proseso sa Territorial Commission for Asylum, mula sa notification hanggang sa interview, at tinatanggal din ang isang antas ng hatol sa mga apila sa kaso ng mga rejected application: matapos ang desisyon ng hukuman ay maaaring lumapit lamang sa Court of Appeals. Ang mga asylum seeker applicants ay maaaring i-empleyo sa mga socially useful employment, kung kanilang nais.

Ang dekreto ay pinamamahalaan rin ang pagdaan sa mga hotspots ng mga dayuhang mahuhuling iligal na tumatawid sa mga frontiers o masasagip sa karagatan. Sila ay kukunan ng litrato at sasailalim sa fingerprinting para mai-report sa European database. Ang sinumang tatanggi sa mga nabanggit ay maaaring ikulong sa Centri di Permanenza per i Rimpatri (CPR) o detention centers (ang dating CIE identification and Expulsion Center)

Samantala sa buong bansa ay lilikha ng isang network ng mga bagong dentention centers kung saan mananatili ang mga irregular migrants para sa sapilitang repatriation habang nasa proseso ng identification, pakikipagpalitan ng identification at information sa sariling bansa at ang paghahanda sa biyahe. Maaaring manatili hanggang 90 araw (hanggang 15 days extension, isang pagbabago sa kasong  kumplikado ang proseso). Ang Guarantor ng mga detainees ay may full authority sa pagsusuri at access sa CPR.

Disposizioni urgenti per l’accelerazione dei procedimenti in materia di protezione internazionale, nonchè per il contrasto dell’immigrazione illegale

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Family Reunification, sagot sa loob ng tatlong buwan

Multi-purpose NBI clearance, malapit na