Rome– Inaprubahan kamakailan sa House of Representative, bagaman kontrario ang PD, IDV at Terzo Polo, ang mga pagbabago sa mga alituntunin para sa deportasyon ng mga dayuhan sa Italya maging ng mga EU nationals.
Sa isangdecreto legge na naipasa noong Hunyo, ang pamahalaan ng Italya ay opisyal ipinagtitibay ang batas ng European Union sa deportasyon. Gayunpaman, kasabay na ipinatutupad ang mas mahigpit na aplikasyon nito sa pag-aresto at pagpapabalik sa sariling bayan ng mga ilegal na migrante na kinuwestyon naman ng korte at ng isang sentensya kamakailan Court of Justiceng EU.
Maaaring patalsikin agad at ihatid sa frontiers ang mga iligal na migrante na itinuturing na mapanganib, ang mga pinaghihinalaang maaaring tumakas at ang mga sumuway sa isang order of expulsion. Ang iba naman ay dapat na iwan ang Italya sa loob ng ilang araw, ngunit ang mga pulis ay maaaring suriin, sa iba’t-ibang mga paraan, kung sumunodsa pag-uutos ang mga ito.
Bilang karagdagan, ang dekreto ay dinagdagan mula 6 hanggang 18 buwan ang panahon ng pananatili sa mga CIE (o Identification and Expulsion center). Gayunpaman, ang panukalang-batas na ito ay malamang na maging sanhi ng pagiging over-population ng mga centers.
Isang huling pagbabago para rin sa mga EU nationals, kung hindi magiging sapat ang mga kwalipikasyon sa pananatili sa Italya at susuway sa isang order of expulsion, ay maaring pwersahan ang mga itong pababalikin sa sariling bansa.