in

Bagong bonus para sa mga pamilya, ano ang requirements sa mga imigrante?

Mula 800 euros na voucher para sa mga Future Moms upang bayaran ang nursery at babysitters. Ito ang “Piano formato famiglia” na nilalaman ng Stability law 2017. Sapat na ba ang permit to stay? 

 

Nobyembre 4, 2016 – “Innovative measures at higit sa lahat, stable na maaaring asahan ng mga pamilya ngayon at sa mga susunod na taon”.

Isinulong kamakailan ni Minister of Regional Affairs and Family Enrico Costa ang “Piano Formato Famiglia”, isang bagong package na tulong na nilalaman ng Stability Law 2017. Tinatayang 600 million euros para sa taong 2017 at 700 million euros para sa mga susunod na taon ngunit nananatiling hindi pa malinaw kung ilang imigrante ang maaaring makinabang ng nabanggit na benepisyo. 

Narito ang ilang paunang salita ni Costa: 

Mamma domani: Ito ay tumutukoy sa 800 euros allowance sa mga ipapanganak mula Enero 2017 na nakalaan sa lahat ng mga future Moms. Maaaring mag-aplay nito sa panahon ng pagbubuntis para sa mga unang gastusin. Ito ay hindi kapalit bagkus ay maaaring idagdag sa Bonus Bebè.

Buono nido: vouchers na naghahalaga hanggang 1000 euros kada taon sa unang tatlong taon ng anak. Ito ay tulong pinansyal para sa mga public at private nursery fees. 

Voucher babysitter: Ito ay isang tulong na nagkakahalaga ng 600 euros sa loob ng anim na buwan bilang alternatiba sa tinatawag na ‘congedo parentale’. Hinabaan at pinondohan ng dalawang taon. Dinoble ang halaga para sa mga employed moms, mula 20 sa 40 million euros at para sa mga self-employed naman mula 2 sa 10 million euros. 

Fondo Credito Bebè: 60 million euros naman hanggang sa susunod na tatlong taon bilang guarantee sa mga bangko na magbibigay na maliliit na loan sa mga pamilya na ilalaan sa pagsilang ng sanggol. 

Siguradong ang mga requirements para sa mga Europeans ay katulad ng sa mga Italians. 

Ngunit marahil, tulad ng Bonus Bebè ay kakailanganin ang carta di soggiorno o sapat na sa pagkakataong ito ang permit to stay na balido sa trabaho? Kung ang huling nabanggit, tulad ng nasasaad sa batas ng Europa, ito ay magbibigay ng pagkakataon sa mas nakakaraming pamilya ng mga imigrante ang makakatanggap nito at maiiwasana ang anumang reklamo, apela at legal na aksyon laban sa mga nabanggit na bonus. Mga solusyong malalaman sa mga susunod na buwan. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Nag-aalimpuyong Pahimakas

Colf, caregivers at babysitters, paano kinakalkula ang kontribusyon?