in

Bagong Circular mula Ministry of Interior, paghihigpit bang muli sa Flussi 2019?

«il datore di lavoro italiano o straniero che intende instaurare in Italia un rapporto di lavoro subordinato a tempo determinato o indeterminato con uno straniero residente all’estero, deve verificare presso il centro per l’impiego competente l’indisponibilità di un lavoratore presente sul territorio nazionale».

Ito ang nilalaman ng Circular na sa kasagsagan ng init ng Agosto, bago ang Ferragosto, ay ipinadala ng Department of Immigration at Asylum, bahagi ng Ministry of Interior, sa Prefettura di Caserta at ikinalat naman sa mga associazioni di categoria provinciali, CIA, patronati, unyon, Caritas at sa local newspaper (fanpage).

Ang employer, Italyano man o dayuhan, na nais mag-empleyo ng dayuhang residente sa labas ng Italya, ay kailangang suriin muna sa mga Centri per l’Impiego ang kawalan ng aplikanteng worker na residente sa bansa”.

Sa note ay nakasulat din ang artikulo 22 ng Testo Unico Sull’Immigrazione, noong 1998 at sinusugan ng Bossi-Fini law, makalipas ang 4 na taon.

Sa batas na nabanggit ay nasasaad ang proseso. Samakatwid ay ipinapaliwanag ang mga detalye na dapat at hindi dapat gawin sa hiring at employment ng dayuhan na higit na naghihigpit sa posibilidad ng regular na pagpasok ng mga seasonal workers na nilalaman ng taunang flussi ng Viminale.

Kaugnay nito, ayon sa paliwanang ng portale immigrazione, ito umano ay nangangahulugan lamang na kung ang employer ay nag-aplay ng nulla osta para sa isang dayuhan sa pamamagitan flussi 2019, ay kailangang siguraduhin muna sa pamamagitan ng malalim sa pagsusuri sa Centri per l’impiego, na walang sinumang nag-aaplay na residente sa bansa para sa posisyong inaplay ng employer para sa dayuhan.

Gayunpaman, ayon sa mga tanggapang nakatanggap nito, pinaghihinalaang may interpretasyong natatago sa bawat linya nito na lalong maghihigpit sa employment ng mga dayuhan.

Hindi rin umano malinaw sa Circular kung ito ay nakalaan lamang ba sa Prefettura di Caserta o para sa buong bansa dahil para sa taong 2019, sa Provincia di Caserta ay nakalaan lamang ang bilang na 20. Bilang na ubos na, ilang buwan na ang nakakalipas.

PGA

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Decreto Flussi 2019, naglabas na ng 5,000 nulla osta para sa seasonal job

Pinoy, suspek sa pagsunog ng 18 kotse sa Milan