in

Bagong decreto flussi: Mas marami ang conversion

17,850 ang bilang na pinag-uusapan sa bagong decreto flussi, ngunit ang two- thirds ay para sa mga regular ng naninirahan sa Italya. Maaari ng simulan ang mag-fill up ng aplikasyon online.

Rome, Disyembre 17, 2013 – Isang bagong decreto flussi ngunit sa pagkakataong ito ay hindi tuluyang magbubukas ng pinto ang bansang Italya.

Ang dahilan ay nananatiling katulad ng nakaraang taon : "marami na ang walang trabaho sa Italya at hindi na kailangan pa ang tumawag ng maraming mangagawa mula sa ibang bansa”. Dahil dito, ang gobyerno ay naglaan lamang ng ilang libong manggagawa buhat sa labas ng Italya na sumailalim sa mga formation courses para sa subordinate job at self-employment, ang natitirang bilang naman ay inilaan sa mga dayuhang regular na naninirahan sa Italya para sa conversion ng permit to stay sa subordinate job buhat sa ibang motibo ng pananatili sa Italya.

Ang batas ay pinirmahan noong nakaraang Nov 25 ni Prime Minister Enrico Letta at tuluyang nagbibigay ng pagkakataon sa 17.850 katao para makapag-trabaho. Narito ang detalye:

Maaaring makapasok ng Italya ang sumusunod:

–          3,000 workers na sumailalim sa formation at educational courses sa sariling bansa batay sa artikulo 23 ng legislative decree noong July 25, 1998, no. 286;

–          200 workers na lalahok sa EXPO di Milano sa taong 2015

–          2,300 self-employed workers na nabibilang sa mga kategoryang ito:  mga negosyante na ang aktibidad ay ang interes ng ekonomiya ng bansang Italya, mga free lancer ng mga propesyon na mayroong partikular na rehistro o nabibilang sa listahan ng Public Administration, korporasyon, mga kumpanya at hindi kooperatiba, na nasasaad sa kasalukuyang batas na pagkakalooban ng entry visa, tanyag o highly qualified na international artist sa ilalim ng public o private entity, mamamayang dayuhan para sa pagtatatag ng kumpanya "start-up innovative" batay sa batas bilang 221 noong dec 17, 2012, na nagtataglay ng mga requirements na itinalaga ng batas, at sa kundisyon ng pagiging self-employed ng kumpanya.

–           100 banyagang manggagawa para sa subordinate job at hindi seasonal at self-employment na may lahing Italyano o isa sa mga magulang ay Italyano o hanggang third degree ang relasyon at residente sa mga bansang Argentina, Uruguay, Venezuela at Brazil.

Pinapahintulutan naman ang conversion ng mga permit to stay for subordinate job ng mga sumusunod:

–          4,000 permesso di soggiorno per lavoro stagionale (seasonal)

–          6,000 permesso di soggiorno per studio, tirocino e/o formazione professionale (pag-aaral, internship at mga vocational training)

–          1,000 carta di soggiorno na inisyu sa mga foreign nationals sa ibang member state ng EU

Pahihintulutan din ang conversion ng permit to stay para sa self-employment ng mga sumusunod:

–          1,000 permesso di soggiorno per studio, tirocino e/o formazione professionale (pag-aaral, internship at mga voactional training)

–          250 carta di soggiorno na inisyu sa mga foreign National sa ibang member state ng EU

Ang aplikasyon

Muli sa taong ito ang mga aplikasyon ay ipapadala lamang online. Maaaring ipadala sa pamamagitan ng website ng Ministry of Interior https://nullaostalavoro.interno.it simula sa susunod na araw matapos itong mailathala sa Official gazzette. Isang circular naman buhat sa Ministries of Interior at Labor ang magbibigay ng detalyadong proseso o ng tinatawag na implementing rules and guidelines.

Susuriin ang aplikasyon batay sa oras ng pagsusumite sa mga ito, hanggang sa maubos ang itinalagang bilang, ngunit sa nabanggit na dibisyon ng mga ‘quote’ tila hindi na kailangan pa ang magmadali. Lalo na sa conversion dahil tila mahirap ang agad na maubos ang mga ito tulad ng naging risulta ng decreto flussi 2012.

Habang naghihintay para sa publikasyon ng bagong dekreto, ay maaari ng paghandaan ang itatakdang click day. Simula alas 8:00 kaninang umaga ay maaari ng magpa-rehistro sa website ng Ministry of Interior https://nullaostalavoro.interno.it,at mag-fill up at mag-save ng mga application, at maaaring ipadala online sa itatakdang panahon. Ang mga tila nahihirapan gawin ito ay maaaring magpatulong sa mga patronati o mga asosasyon.

Decreto del Presidente del Consiglio dei Ministri. "Programmazione transitoria dei flussi di ingresso dei lavoratori non comunitari per lavoro non stagionale nel territorio dello Stato per l'anno 2013".

Circolare esplicativa dei ministeri dell’interno e del Lavoro

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ano ang Kanser sa Suso?

Bea Rose Santiago, kinoronahang Miss International 2013