Ang Guarantor ay sang-ayon na palitan ang mga kasalukuyang e-permits. Mas mahigpit na mga tuntunin sa pag-iingat ng mga datas, photos, at fingerprints ng mga imigrante.
Roma – Hulyo 6, 2012 – Ang electronic permit to stay cards na sa ngayon ay hawak ng milyun-milyong mga imigrante ay maituturing na luma na. Mapapalitan ito ng isang uri ng dokumento ng makabagong panahon bilang pag-aangkop sa European norms, na sinang-ayunan isang buwan na ang nakakalipas ng privacy guarantor.
Ang dokumento ay ilalabas sa pamamagitan ng isang ministerial decree na hinihintay na lamang ang pirma ng mga ministry ng Interior, Public Administration, Economy and Finance. Isang uri ng plastic card na mayroong microchip na Radio-Frequency Identification na "contact-less ", o nakatago sa loob ng card, kung saan tinataglay ang mga identification (tulad ng pangalan, apelyido, atbp.) ang biometrics (litrato at fingerprints ng kaliwa at kanang index ng may-ari) at maaari lamang "basahin" ng mga ‘controlling body’upang beripikahin ang indentity ng imigrante at ang authenticity ng dokumento.
Ang mga datos ay ilalagay din sa isang database sa Centro elettronico nazionale (CEN), ng Polizia di Stato. Ang mga peronal datas at mga litrato, tulad ng mababasa sa isang note ng Privacy Guarantor, ay maaaring ingatan sa panahon ng validity ng EC long term residence permit (carta di soggiorno) at sa panahong hindi naman lalampas ng sampang taon para sa ibang uri ng permit to stay, habang ang conservation ng mga fingerprints ay pinapayagan lamang sa “panahong kinakailangan upang ma-kumpleto ang administrative procedures para sa releasing o sa renewal ng dokumento”.
Ang mga datas na tinataglay ng card at iniingatan sa Cen ay maaari lamang gamitin sa layuning may kaugnay sa inspeksyon at management ng permit to stay. Bukod dito, sa paghahayag ng positibong opinion sa draft ng nasabing dekreto, ang Guarantor ay minabuting suriin ang teknikal na alituntunin na i-iisyu ng inter ministerial commission, na binuo sa Viminale, “kung saan ka-klaruhin ang mga hakbang upang matiyak ang pagiging kompidensiyal, ang integridad at seguridad ng mga datas, partikular ang biometric infos. "
Ang bagong electronic permit, tulad ng mayroon sa kasalukuyan, ay ipi-print sa pamamagitan ng Instituto Poligrafico e Zecca dello Stato (IPZS), ang national printing office ng bansa, na maaaring matagalan bago makita ang sirkulasyon. Ito ay dahil, matapos ang aprobasyon ng dekreto at ng regulasyon, ay sisimulan ang experimental period sa Viterbo.