Pinirmahan noong Mayo 21ng mga unyon at ng asosasyon ng mga employer. Maraming mga pagbabago: mula sa pagtaas ng sahod hanggang sa higit na proteksyon ng mga nagtatrabahong ina. Ipatutupad mula noong Hulyo 1.
Roma-May 23, 2013–Matapos ang pagkakaroon ng kasunduan noong Abril, sa wakas ay nagkaroon ng tekstong pinal ang bagong kontrata para sa domestic job. Noong nakaraang Martes, ang asosasyon ng mga employer at mga unyon ay pinirmahan ang kasunduan na nagtataglay ng kasunduang umabot ng halos dalawang taon.
Bukod sa pagtaas ng minimum wage (na hinati sa tatlong bahagi, simula ng 2014, 2015 at 2016) ay mayroong mga pagbabago para sa mga colf, caregivers at babysitters at sa lahat ng mga pamilyang nagbibigay ng trabaho. Nagtataglay din ito, halimbawa ng dinobleng panahon ng abiso sa tatanggalin sa trabahong mga bagong ina, pagpapatunay sa pagpapabitiw sa trabaho, bayad na oras sa pag-attend ng italian language course at ang marriage leave na magagamit hanggang isang taon makalipas ang kasal.
"Pormal na pinirmahan ang kasunduan noong Mayo 21 ngunit ito ay sasailalim sa konsultasyon hanggang June 15 sa buong bansa. Gayunpaman, hindi inaasahan ang anumang pagbabago, ayon kay Giuliana Mesina, ang national head ng Filcams Cgil. Ang susunod na hakbang? Matapos ang konsultasyon, ang mga unyon at asosasyon ng mga employers ay ganap na pipirmahan ang kasunduan sa Ministry of Labor, at inaasahan ang presensya ng Ministro. Ito ay simulang ipatutuapd simula July 1, 2013 at magtatapos hanggang 2016”.