Sa Brescia ay mayroong 70% na rejected application ng regularization dahil sa paghihigpit ng prefecture. Pinalitan ang regulasyon ngayon at hanggang May 30 ang mga aplikante ay maaaring hilingin ang panibagong pagsusuri.
Roma, Abril 27, 2016 – Ang pinakahuling regularization ay noong nakaraang 2012, at makalipas ang 4 na taon ay mayroon pa ring mga imigrante na hanggang ngayon ay umaasang, sa pamamagitan nito, ay magkakaroon ng permit to stay.
Karamihan ay sa Brescia kung saan ang prefecture ay nagpatupad ng mas mahigpit na pamantayan kaysa sa ibang bahagi ng Italya. Kabilang sa mga hindi tinanggap ay ang patunay ng pananatili sa bansa, hindi bayad na kontribusyon at employer na umatras sa deklarasyon,. Bilang resulta ang mga tinanggihang aplikasyon ay 70% ng kabuuang bilang.
Masyado itong marami, kahit na para sa Ministry of Interior, na pagkatapos ng protesta ng mga asosasyon at unyon at sa tulong ng naging opinyon ng State Council, ay hinatulang hindi makatarungan ang naging pagtanggi at pinahintulutan, isang taon na ang nakakalipas, ang muling pagsusuri ng mga aplikasyon matapos hilingin ng aplikante. Hindi lamang sa Brescia kundi pati sa ibang bahagi ng Italya.
Gayunpaman, sa Brescia na sentro nang problema, ay binago ng prefecture ang pamantayan at ipinagbigay-alam sa ilang mga okasyon ang mga pamantayan sa muling pagsusuri. Kaninang umaga, sa website nito ay inilathala ang ika-apat at huling aksyon at itinakda hanggang May 30, 2016, ang deadline sa pagre-request ng muling pagsusuri ng mga aplikasyon.
Ang dokumento ay naglilinaw, bukod sa iba pang mga bagay, ukol sa katibayan ng pananatili sa bansa simula 2011, na isa sa mga requirements ng regularization. Sa katunayan, ay nasasaad na maaaring tanggapin ang mga medical certificates buhat sa mga family doctors at membership card sa mga unyon kahit na ang mga dokumentasyon buhat sa mga parokya o anumang dokumentasyon buhat sa ibang relihiyon tulad ng kasal, pagpasok sa wikang italyano at iba pa.
Kung ang employer o ang worker ay hindi sumulpot matapos ang unang appointment, sa pagsusumite ng dokumentayson o sa pagprima employment contract o contratto di soggiorno ay maaaring muli silang tawagin at bigyan ng ikalawang appointment. Ang ikatlong appointment ay ibibigay lamang sa ilang ‘partikular na okasyon’.
Ang isa pang usapin ay ang pagbabayad ng kontribusyon. Ayon sa prefecture, upang mapatunayan ang pagkakaroon ng trabaho, sapat na ang 1000 euros na kontribusyon at anim na buwang kontribusyon sa Inps kahit na naantala ang kabayaran nito, at sa pagtatapos naman ng trabaho ay bibigyan ng permesso per attesa occupazione ang worker.
Bukod sa mga bagong pamantayang ito ay mayroong pang nakatala sa isang dokumento na inilathala ng Prefecture. Ipinapayong tingnan ito at maaaring magkaroon ng pagkakataong mag-uwi ng permit to stay.