Ang bagong itinalagang pamantayan ng sahod ay ipatutuapd simula July 1, 2013 hanggang June 30, 2014. Ang benepisyo ay nakalaan sa mga manggagawang italyano at mga imigrante. Ang aplikasyon ay isusumite sa mga employer o sa tanggapan ng Inps.
Roma, Mayo 27, 2013 – Bagong pamantayan ng sahod para sa assegni al nucleo familiare, ito ay dahil sa taunang rebisyon nito batay sa pagtaas ng cost of living. Ang Inps ay inilathala kamakailan ang bagong halagang pamantayan na ipatutuapd simula July 1 , 2013 hanggang June 30, 2014.
Ang benepisyo ay ipinagkakaloob sa mga mangagawa, pensyonado at sa pagkakaroon ng angkop na kundisyon, maging sa mga self-employed (collaboratori coordinati e continuativi, liberi professionisti iscritti alla gestione separata dell'Inps) kung ang kabuuang sahod ng isang pamilya ay mas mababa sa itinalagang pamantayan. Isang benepisyo na maaaring pakinabangan ng mga manggagawang italyano at mga imigrante rin.
Ang aplikasyon ay isusumite sa employer o sa tanggapan naman ng Inps kung mga domestic workers. Ang benepisyo ay matatagpuan kasama ng sahod sa payroll buhat sa employer, sa unang kaso, na ire-refund naman ng Inps. Samantala sa ikalawang kaso naman ay direktang magbubuhat ang benepisyo sa Inps.
I-download ang bagong pamantayan ng sahod