Mas pinadali ang multi-entry permit at conversion ng mga permit to stay, mas mahigpit na patakaran naman ukol sa tirahan at mga kumpanya na nagpapapunta sa mga seasonal workers sa bansa na hindi itinutuloy ang hiring. Inilathala ang D.Lgs. 3203/2016 sa pagsasabatas ng European directive.
Nobyembre 10, 2016 – Bagong panuntunan para sa mga non-EU seasonal workers na taun-taon ay pumapasok sa bansa upang mag-trabaho sa sektor ng agrikultura at turirmo, sa hotel at mga restaurants.
Inilathala noong Nobyembre 9 sa Official Gazette at simulang ipatutupad sa nalalapit na Nov 24 ang legislative decree Oct 29, 2016 bilang 203 sa pagsasabatas ng European Directive 2014/36/UE ukol sa pagpasok at paninirahan ng mga third country nationals bilang seasonal workers. Narito ang buong teksto.
Tinukoy ng dekreto na ang mga seasonal workers ay maaaring lamang ma-empleyo sa sektor ng agrikultura at turismo. Ito ay nagpapahintulot na maging mas madali ang releasing ng multi-entry authorization o nulla osta pluriennali, na nagtatanggal sa koneksyon nito sa decreto flussi: sapat na ang pananatili sa Italya kahit isang beses lamang bilang seasonal worker sa huling limang taon at hindi huling dalawang magkasunod na taon tulad ng ipinatutupad sa ngayon.
Kahit ang patakaran ng ‘tacit consent’ makalipas ang 20 araw mula sa aplikasyon ng nulla osta ay balido na kung ang worker ay nasa Italya na bilang seasonal worker kahit isang beses lamang sa huling limang taon, habang sa kasalukuyan ay dapat na nasa Italya na sa naunang (nakaraang) taon. Magiging madali rin ang conversion ng mga permit to stay mula seasonal sa non seasonal job kung mayroong job offer na determinato o indeterminato ang kontrata: ang request ay maaaring gawin makalipas ang tatlong buwan ng seasonal job, habang ang batas ngayon ay nagbibigay lamang ng posibilidad sa mga nasa Italya na sa mga nakaraang taon bilang seasonal worker.
Isang mahalagang pagbabago ay ang tirahan na kailangang patunayan ng employer. Tinukoy rin ng dekreto na anumang halaga ng upa ay hindi dapat mas mataas kaysa sa kalidad ng tirahan at sahod ng dayuhan, partikular, hindi mas mataas sa ikatlong bahagi ng sahod nito. Bukod dito ay hindi rin maaaring awtomatikong ibawas mula sa sahod ng worker ang upang nabanggit.
Higit na proteksyon naman sa sinumang papasok sa Italya, matapos tawagin ng kumpanya, na hindi sapat ang dokumentasyon upang makumpleto ang recruitment. Kung ang pagtanggi o pagbawi sa awtorisasyon o permit to stay ay sanhi ng employer, ang huling nabanggit ay kailangang magpatuloy sa pagbibigay ng sahod sa seasonal worker sa panahong dapat ay ipinagtrabaho nito sa Italya.