Ganap na inaprubahan ang bagong patakaran sa pagpasok, pananatili at pagta-trabhao ng mga managers, skilled workers at trainees. Sila ay bibigyan ng isang bagong uri ng permit to stay, ang ICT.
Enero 11, 2017 – Ang mga foreign employees ng mga multinational corporates ay maaari ng makarating ng mas madali sa Italya at mas madali ring makakalipat sa ibang European countries. Salamat sa bagong patakaran na nagpapahintulot makapasok sa bansa at ang magkaroon ng special permit to stay.
Noong nakaraang Disyembre 23, ay ganap na inaprubahan ng Council of Ministries ang legislative decree na pagsasabatas sa Directive 2014/66 / EU ukol sa mga kundisyon ng pagpasok at pananatili sa Italya ng mga managers, skilled workers at trainees ng mga Third countries na sumasailalim sa intra-corporate transfer. Ang Legislative decree Dec 29 2016, n. 253 ay inilathala ngayong araw na ito, Jan 11 sa Official Gazette at nangangahulugang mula sa araw na ito ay simulang ipatutupad.
“Kabilang sa mga layunin ng inaprubahang patakaran – mababasa mula sa pahayag ng Palazzo Chigi – ay ang pagkakaroon ng iisang kahulugan at kundisyon sa malinaw at pinasimpleng pagtanggap sa mga kategoryang nabanggit”.
Ang mga multinational corporations ay maaaring papuntahin ang employees sa Italya kung kinakailangan ng hindi isasaalng-alang ang pagkakaroon ng dekreto o kahit walang anumang decreto flussi, sa pamamagitan ng pag-aplay online ng nulla osta sa Sportello Unico per l’Immigrazione na dapat magbigay ng kasagutan sa loob ng 45 araw. Isang pinadaling proseso, at samakatwid ay inaasahang mas mabilis rin ang pagkakaroon ng kasunduan o Memorandum of Understanding sa Interior Ministry.
Sa pagdating sa Italya, ang employee ay magkakaroon ng special permit to stay, ang ICT o Intra-corporate transfer. Ang validity ay batay sa panahon ng transfer, gayunpaman ay hanggang maximum ng tatlong (3) taon para sa mga managers at skilled workers at maximum ng isang (1) taon naman para sa mga trainees. Maaari rin nilang papuntahin sa Italya ang mga miyembro ng pamilya sa pamamagitan ng family reunification.
Sa Italya ay maaari ring makapasok ang mga empleyado na nagkaroon ng ICT mula sa ibang bansa ng European Union. Para sa pananatili hanggang 90 days, sapat na ang simpleng ‘dichiarazione di presenza’ habang ang mas mahaba sa 90 days ay kailangang mag-aplay ng ibang uri ng dokumento, ang mobile ICT permit to stay, ngunit pinahihintulutang mag-trabaho habang naghihintay ng releasing nito.