Naglunsad ang pamahalaan ng isang regulasyon upang matiyak ang "pantay na antas ng pagtanggap." "Layunin nito ang pag-ibayuhin sa lahat ng mga shelter ang rispeto sa karapatan bilang tao at indibidwal”.
Roma – Disyembre 18, 2014 – Inaprubahan ng pamahalaan ang bagong pamantayan para sa operasyon at pamamahala ng mga CIE (centri di indentificazione ed espulsione) sa pamamagitan ng isang regulasyon sa mga nabanggit na shelters at ng charter of rights and responsibilities ng mga dayuhang pansamantalang doon ay mga naninirahan.
"Ang regulasyon – ayon sa Ministry of Interior sa isang pahayag – ay pinagtibay upang masiguro ang isang patas na pag-didisiplina at upang magkaroon ng mga pamantayan para sa kaayusan ng araw-araw na operasyon sa mga shelters. Sa katunayan, layunin nito ang mapabuti ang sitwasyon sa lahat ng mga shelters at pag-ibayuhin ang rispeto sa karapatan bilang tao at indibidwal”.
Ang 'Charter of rights and responsibilities ng mga dayuhan sa CIE’, na lakip ng regulasyon, ay ibibigay sa mga bagong papasok sa mga CIE. Bukod dito, pinahihintulutan nito ang karapatan sa impormasyon, ang magsalita sa sariling wika o anumang kilalang wika, kalayaan sa pagsamba at kalayaan sa paggawa at pagtanggap ng liham at tawag sa telepono.
Scarica il regolamento e la carta de diritti e dei doveri