in

Bagong regulasyon para sa mga seasonal workers, hiring at sertipikasyon

Ang bill sa Simplifications ay ginawang ganap na batas ng Parliyamento. Narito ang nilalaman nito.

altRoma – Abril 5, 2012 – Mayroong 394 na botong panig, 49 naman ang hindi mula sa Lega at 21 abstentions mula sa Italia dei Valori. Ganito ang naging resulta kahapon ng desisyon ng mga kinatawan sa Parliyamento at naaprubahan ang bill sa simplifications bilang isang ganap na batas, kabilang din dito ang ilang mga patakaran ng imigrasyon.

Ang pangunahing patakaran ay sumasaklaw sa mga seasonal workers. Ipapatupad ang mekanismo ng consent by silence para sa mga aplikasyon ng hiring ng mga workers na nasa Italya na sa mga nakaraang taon, na magpapabilis ng proseso nito. Bukod dito, matapos ang kontrata ang manggagawa ay maaring pumirma na ulit ng panibago, i-renew ang permit to stay hanggang siyam na buwan.

Ang bagong batas ay kinukumpirma na sa hiring ng isang dayuhang manggagawa ay hindi na kailangang ipadala pa ang form Q ng contratta di soggiorno sa Sportello Unico per l’Immigrazione. Sapat ng sagutan ang buong form (comunicazione obbligatoria d’assunzione) ng hiring, na nagtataglay ng mga personal infos ng dayuhang manggagawa.

Isang probisyon din ang inihayag sa proseso ng parliyamento na magbibigay ng pagkakataon para sa self-certification maging sa mga pamamaraan ukol sa imigrasyon, tulad sa request ng renewal ng mga permit to stay. Ito ay ipapatupad, simula sa 2013, habang ang mga Questure at mga prefecture ay nakikipag-ugnayan sa mga tanggapan ng Public Administration para sa mas madaling networking at pagsusuri sa mga impormasyon.  

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

HIPON W/ GREEN PEAS RECIPE

Isang taon na permit to stay sa mga nawalan ng trabaho