Ang pamahalaan ay gumawa ng isang eksperimento sa mga malalaking munisipyo. Ito ay magbibigay daan na sagutin ng pamahalaan ang anumang gagastusin ng mga mamamayan. Kabilang ang mga EU-nationals, maging ang non-EU nationals na nagmamay-ari ng kilalang ‘carta di soggiorno’.
Rome – 30 Ene 2012 – Kabilang ang mga imigrante sa makikinabang sa bagong “social card” o ang prepaid card na nire-recharged ng pamahalaan na nauukol sa mga mamamayang nangangailangan.
Ang decree law ukol sa simplifications (semplificazione) na naaprubahan noong nakaraang Biyernes sa Konseho ng mga ministro ay nagbibigay daan para sa isang-taong esperimento, sa mga malalaking munisipyo na may higit sa 250,000 residente at isang badyet ng 50,000,000 €. Ang halagang nakapa-loob sa bawat card ay nag-iiba “depende sa laki ng pamilya o dami ng anak at ayon sa antas ng pamumuhay sa munisipyong kabilang sa experiment.”
Ang kaibahan sa inilunsad noong 2008, na para lamang sa mga Italians, ang bagong social card ay para rin sa Romanians, Polish, atbp. At maging ang mga non-EU nationals na mayroong carta di soggiorno. Ang pamahalaan ay maiiwasan, sa ganitong paraan, ang panganib ng paglilitis ng paglabag sa EU, na nagsasad na ang mga social benefit ay pare-pareho maging sa mga mamamayan ng bansang miyembro ng EU tulad ng mga Italians, ganoon din ang mga mayroong ‘carta di soggiorno’.
Hindi pa naman sinisimulan ang eksperimento sa malalaking munisipyo. Matapos ipatupad ang batas sa simplifications, ang ministries ng labor at ng Economia ay mayroong tatlong buwan upang gawin ang mga pamantayan para sa pagbibigay ng social card. Ang mga munisipyo, pagkatapos, ang mamamahagi nito, pagkatapos tukuyin ang mga dapat makinabang nito.