in

Bagong uri ng electronic permit to stay, sinimulang iisyu ngayong Nobyembre

Matapos ang experimental period, bawat Questura ay magi-isyu ng bagong uri ng dokumento. Ang picture, fingerprint at personal datas ay natatago sa isang invisible chip na maaaring mabasa lamang ng mga awtoridad.

 

Roma, Nobyembre 14, 2015 – Isang bagong uri ng permit to stay ang ibibigay sa mga dayuhan sa Italya. Nananatiling electronic permit, mas sigurado bukod pa sa mas moderno.

Pagkatapos ng experimental period na sinimula noong 2013, at sinundan ng 13 Questura sa Milano at Roma, simula noong Nov 10 ang Ministry of Interior ay ipinaabot na sa lahat ng Questura sa bansa ang pagi-isyu ng bagong dokumento at unti-unti ng papalitan ang mga lumang uri ng permit to stay na hawak ng mga imigrante.

Ang pangunahing pagbabago ay ang pagkakaroon ng microprocessor frequency na nakatago sa loob ng plastic card na hindi makikita sa labas nito. Sa loob ng microprocessor ay naka-imbak ang lahat ng personal datas, larawan at fingerprint ng may-ari. Bukod dito, ang datas at picture na naka-print sa ibabaw ng plastic card ay may proteksyon upang maiwasan ang pagkopya sa dokumento.

Ang awtoridad sa Italya at buong Europa ay nagtataglay ng reader ng nilalaman ng microprocessor. Sa ganitong paraan, ay madaling masusuri ang pagkakapareho ng mga datos na nilalaman ng card sa kanilang database.

Ang bagong uri ng dokumento ay ii-isyu sa lahat ng dayuhan ng maga-aplay nito simula nitong Nov 10 ng releasing o renewal ng permit to stay na balido ng 90 araw. Ang bagong dokumento ay para sa lahat ng uri ng pinaka pangkaraniwang uri permit to stay tulad ng per lavoro o familiari at ang kilalang carta di soggiorno.

Ang mga tanggapan ay gagamit ng bagong paraan upang kumuha ng larawan at finger prints kahit sa mga menor de edad.Para sa mga aplikasyon na isinumite bago ang Nov. 10 at nasa ilalim ng pagsususri, ay ibibigay ang lumang uri ng permit to stay ngunit hiniling ng Ministry sa mga Questura na obligadong gawin ito sa loob ng anim (6) na buwan.

Samantala, ang sinumang balido pa ang permit to stay ay walang anumang dapat gawin. Hintayin ang pagsapit ng expiration ng nasabing dokumento at sa renewal nito ay magkakaroon ng bagong electronic permit.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

VIP dance group lumahok sa 33rd Milano Int’l FICTS fest 2015

Pagbibitiw ng mga domestic workers. Paano?