in

Bagong visa at permit to stay program, nakalaan para sa mga investors

Patuloy ang paghihikayat ng bansang Italya sa mga nais mag-invest sa bansa. Narito ang inaprubahang visa at permit to stay program na nakalaan sa mga investors.  

 

Isang Inter-Ministerial Decree, ang n. 1202/385 bis, ang pinirmahan nina Foreign Affairs at International Cooperation Minister at Interior Minister kamakailan. Alinsunod sa mga talata 155 at 156 ng artikulo 1 ng Batas Dec 1, 2016, n. 232, ito ay nagtatalaga ng mga pamamaraan ng pagpapagaan sa proseso ng visa entry at permit to stay:

  1. Sa mga maglilipat ng residency sa Italya batay sa artikulo 24-bis ng Budget law (sa ilalim ng DPR 22 December 1986, n. 917) upang mahikayat ang pagpasok ng mga mahahalagang investments at samakatwid pagkakaroon ng higit na trabaho sa bansa; 
  2. na kaugnay sa: start-up companies, investments at advance training, scientific research o patronage activities sa pakikipagtulungan sa mga kumpanya, mga unibersidad, research institutes at iba pang public o private entities. 

Ang entry visa ay inaasahang matatanggap makalipas ang 30 araw matapos isumite ang mga requirements – na sasailalim sa pagsusuri ng isang committee – sa pamamagitan ng isang online platform. Ang bagong entry visa, ay magpapahintulot sa issuance ng dalawang taong validity ng permit to stay at renewable ng susunod pang tatlong taon kung mapapatunayan ng non EU-national investor ang pagkakaroon ng government treasury securities o bonds (2 M euros) o investment sa anumang Italian company (1 M euros) o start up (500K euros). Ang mga investments ay kailangang mapanatili hanggang dalawang taon. Bilang alternatiba ay tatanggapin din ang mahalagang philanthropic funding para sa iba’t ibang proyekto tulad ng recovery ng cultural heritage ng bansa, sa pamamahala ng imigrasyon, edukasyon at pananaliksik sa halsgang 1M euros.

Ang Interministerial decree ay nagtataglay ng buong proseso kung paano magkakaroon ng entry visa at inaasahang makakapasok ng bansa bandang katapusan ng Setyembre matapos ang pagtatalaga ng komite. Ang komite ang magsusuri ng mga dokumentasyon buhat sa mga investors bilang mga patunay ng pagkakaroon ng mga halagang nabanggit na itatalaga sa investments at ng sertipiko ng legal na pinagmulan ng mga ito at patunay ng kawalan ng anumang penal convictions.  

Sa dekreto ay nasasaad ang pagtatapos sa proseso sa loob ng 30 araw mula sa pagtanggap ng aplikasyon. Matapos ang issuance ng nulla osta, ang investor ay maaaring mag-aply ng entry visa sa italian embassy sa sariling bansa, at sa loob ng walong araw pagkatapos makapasok ng bansa ay bibigyan ng permit to stay for investors na balido ng dalawang taon. 

Gayunpaman, ang investor sa loob ng tatlong buwan ay kailangang “ipadala sa komite ang dokumentasyon na nagpapatunay ng investment o donation ng halagang nabanggit sa itaas”. Kung hindi gagawin ang nasabing komunikasyon ay pawawalang-bisa ang permit to stay. Ito ay maaaring maganap matapos mapatunayan ang withdrawal sa investments. Nasasaad din sa decree ang renewal ng permit to stay for investors hanggang tatlong taon pa “sa pagkakaroon ng nulla osta mula sa komitato na nagpapatunay ng pagpapatuloy sa investment”.   

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga Pinoy, boluntaryong naglinis ng Piazza Garibaldi sa Cagliari

Dalawang Pinoy, nagnakaw matapos gumawa ng gulo