Sisimulan ang paggamit ng mga bagong vouchers para sa occasional job ngayong araw July 10. Narito ang mga pagbabago.
Hulyo 10, 2017 – Nakatakda ngayong araw, July 10 ang due date ng ikalawang quarter payment ng kontribusyon ng mga regular na colf, caregivers at babysitters. Ito rin ang petsang nasasaad sa Circular ng Inps n. 107 ng 2017 na inilathala kamakailan. Ito ay ang implementing rules and guidelines na nagpapaliwanag sa pagpapatupad ng batas bilang 50 noong April 24 artikulo 54 bis.
Tatawaging libretto famiglia ang para sa occasional job ng mga colf at PrestO naman para sa sa mga kumpanya. Ang mga bagong uri ng vouchers ay maaaring i-request at i-activate sa pamamagitan lamang ng website ng Inps.
Regulasyon at limitasyon
Ang bagong vouchers ay gagamitin sa pagbabayad ng mga occasional job tulad ng gardening, tutoring at pag-aalaga sa mga matatanda at disabled hanggang sa halagang 5,000 euros para sa isang buong taon at halagang 2,500 naman ang maximum amount para sa isang employer.
Ang bawat voucher ay nagkakahalaga ng 10 euros, kung saan ang 2 euros ay para sa Inps at Inail; Samakatwid, ang worker ay makakatanggap ng 8 euros net.
Ang libretto famiglia ay online mabibili, sa pamamagitan ng website ng Inps o sa pamamagitan ng mga Patronati.
Ang pagbabayad ng bagong vouchers ay direktang dadating mula sa Inps sa pamamagitan ng bonifico o bank transfer tuwing ika- 15 ng susunod na buwan matapos ibigay ang occasional job.
PGA