in

Ban Ki-moon, hinimok ang mga European leaders na magpakita ng higit na suporta sa migrasyon

Ang karamihan ng mga migrante na dumadating sa Europa ay mga refugees na tumakas mula digmaan at karahasan at sila ay may karapatan na humingi ng asylum ng hindi sasailalim sa anumang diskriminasyon”.

 

Roma, Setyembre 9, 2015 – Hinimok ni UN Secretary General Ban Ki-moon ang mga European leaders na magpakita ng higit na suporta para sa mga migrante at sinabing nag-oorganisa ng isang pagpupulong ukol dito  sa New York sa nalalapit na Sept 30.

Ito ay ayon sa kanyang spokesman, Stephan Dujarric at sinabing tumawag si Ban nitong mga huling araw sa mga Head of States ng pitong bansang sangkot sa emerhensya – Germany, Austria, Czech Republic, Greece, Hungary, Poland at Slovakia.

Binigyang-diin ng pinuno ng UN sa kumbersasyong nabanggit na ang “karamihan ng mga migrante na dumarating sa Europa ay mga refugees na tumakas mula digmaan at karahasan at sila ay may karapatang humingi ng asylum ng hindi sasailalim sa anumang diskriminasyon”. Ayon pa din sa spokesman ng UN, ay hiniling umano si Ban sa mga Head of States ng mga nabanggit na bansa na maging tinig ng mga nangangailangan ng proteksyon at ang mabilis na makahanap ng lugar upang matugunan ang kanilang pangangailangan”.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga Pinoy sa Roma, umaksyon ukol sa Balikbayan box!

1M para sa integrasyon at mga kurso ng wikang italyano para sa mga dayuhang mag-aaral