in

Ban Ki-moon sa International Migrants Day: “Hindi natin papabayaan ang sinuman”

Isang taon ng mga trahedya at pagdadalamhati ng mga migrante. Nangangailangan ng mas ligtas na pamamaraan para sa legal na migrasyon”, UN Secretary General Ban Ki-moon.

 

New York, Disyembre 18, 2015 – “Ang 2015 ay maaalala bilang taon ng mga trahedya at pagdadalamhati ng mga migrante. Sa loob ng huling 12 buwan, higit sa 5,000 mga kababaihan, kalalakihan at mga bata ang namatay sa paghahanap ng proteksyon at mas mahusay na pamumuhay. Libu-libo rin ang inabuso ng mga trafficers. Samantala, milyun naman ang mga pinaghinalaan at naging biktima ng maling pagkatakot”.

Ganito sinimulan ng UN Secretary General Ban Ki-moon ang kanyang mensahe sa pagdiriwang ng International Migrants Day na ipinagdidiwang ngayong araw na ito sa buong mundo. Isang kaganapan na nagpapaalala sa pagtanggap sa International Convention on the Protection of the Rights of Migrants and Members of their Families na pinagtibay lamang ng ika-apat na bahagi ng mga bansa sa mundo, maliban ang Italya.

Binigyang-diin ni Ban Ki-moon na kahit ngayong taon, sa pagtanggap sa 2030 Sustainable Development Agenda, ang mga leaders buhat sa buong mundo ay nangangakong po-proteksyunan ang karapatan ng mga migrante, labanan ang mga trafficers at isulong ang isang angkop na pagkilos sa migrasyon. “Sa pamamagitan ng pagtuon sa mga pangunahing dahilan ng migrasyon, ang Agenda ay haharapin ang hamon ng pag-unlad, ng gobyerno at ng karapatang pantao na nagtutulak sa karamihang iwanan ang sariling mga bansa”.

Kailangang pagtulungan ang mga unang hakbang, ang base, ayon kay UN Secretary, sa pamamagitan ng “pinaka mahusay na pakikipagtulungan sa mga country of origins, transit at destination, na magkaroon ng napagkasunduang responsabilidad at ganap na rispeto sa karapatang pantao, anuman ang estado ng mga migrante. Kialangang palawakin ang mga ligtas na pamamaraan para sa legal na migrasyon, kabilang ang family reunification, ang mobility sa trabaho ng lahat kwalipikasyon, higit na oportunidad sa resettlement at edukasyon ng mga kabataan at matatanda”.

Bilang pagwawakas, hinihingi ni Ban Ki-moon sa lahat ng bansa na pirmahan at ipagtibay ang Convention. “Sa araw ng International day of Migrants tayo ay magsusumikap sa pagbibigay ng tuluy-tuloy at inclusive na kasagutan, batay sa karapatang pantao tulad ng hinihingi ng batas at ng international standards para sa isang solusyong nais ng lahat na hindi magpapabaya sa sinuman”.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Overtime sa Interior Ministry, kukunin sa kontribusyon ng mga aspiring Italians

Kilalanin ang lahat ng mga refugees, pauwiin sa sariling bansa ang mga undocumented