in

Batas ‘Harlem’, regulasyon na magpapabigat sa mga negosyanteng dayuhan

Ang Lega Nord at ang PDL sa Regional Council ay inaprubahan ang bagong mga “Probisyon sa handicraft at kalakalan.” Obligado ang wikang Italyano, sa pagbebenta ng mga inumin at pagkain, sa pagpaplano ng negosyo na ipagkakatiwala sa munisipyo, at maaaring mabawasan ang “nontraditional” na mga gawain.

altRoma, Pebrero 29, 2012 – Sa pagbebenta ng ‘kebab’, gayun din sa pagbubukas ng bar o ng restaurant, sa Lombardy Region, ay kailangang alam ang wikang Italyano. At kung magbubukas ng negosyo sa sentro ng lungsod, kailangang makumbinsi ang mayor na naaayon sa tradisyon ang negosyo.

Ito ang ilan sa mga bagong “regulasyon sa handicraft at kalakalan” (ang tinatawag na “batas Harlem“) na hinangad ng Lega Nord at naaprubahan noong kalahatian ng Pebrero ng Regional Council sa pamamagitan ng mga boto ng PDL party, na magiging mga pabigat mga imigranteng negosyante.

Ang mga dayuhan na gustong magsimula ng negosyo sa pagbebenta ng pagkain at mga inumin ay dapat ipakita ang kaalaman sa wikang Italyano, na may sertipiko ng partesipasyon sa isang kurso ng Chamber of Commerce. Lahat ng mga komersyal na impormasyon, pati ang mga nakasulat sa label, ay isasalin o ita-translate sa wikang Italyano, maliban na lamang sa mga term  na ngayon ay karaniwan ng ginagamit (mas madaling matagpuang nakasulat ang ‘kebab’ sa halip na ‘panino alla carne’).

Ang bagong batas ay sumasakop din maging sa mga massage center, na karaniwang pinapatakbo ng mga nagmula sa Silangan. Mula ngayon ang lahat ng mga aktibidad na may kinalaman sa “pagbibigay serbisyo, paghawak at pag-iingat sa katawan, kabilang ang massage center o spa, na naglalayong magpa-relax, at mapabuti ang pangangalaga ng katawan na walang therapeutical effect, ay natutulad  ang serbisyo bilang isang esthetician  at samakatuwid ay dapat na respetuhin ang mga alituntunin at matiyak ang pagkakaroon ng mga tauhan ng angkop na mga kwalipikasyon.

Ang mga munisipyo pagkatapos ay maaaring i-programa ang paglulunsad ng mga bagong negosyo sa sentro ng lungsod at sa mga lugar na gustong i-upgrade. Bukod dito, ang mga mayors ay “pag-hihiwa-hiwalayin ang mga negosyo”, at magtatakda ng minimum na distansya sa pagitan ng mga tindahang magkatulad, pagbabawal ng pagbubukas ng mga tindahan na pinaniniwalang “salungat sa pangangalaga ng mga artistic value, ng kasaysayan o ng kapaligiran” o bawasan “ang mga gawaing hindi tradisyunal o ang kalidad ay dapat na naaayon sa kasaysayan, sa arkitektura at sa urban planning. “

 “Sa pagbuo ng panukalang ay aming nagging inspirasyon sa pagkilos ang dating New York mayor, na si Rudolph Giuliani, na nagtagumpay upang pasiglahin muli ang isang pook na nasira at nagkaroon ng maraming problemang tulad ng Harlem. Ang aming batas sa katunayan ay magsusumikap na pamahalaan ang immigration sa isang responsableng paraan, iwasan ang pagkakaroon ng mga ghettos at ang nagresultang mga implikasyon sa mga tuntunin ng seguridad at ang mga implikasyon na nagmumula sa seguridad at paligsahan”, ayon kay Massimiliano Orsatti, ang nagging speaker ng panukala mula sa Lega Nord.

Si Arianna Cavicchioli, ng Democratic Party, ay nagsabing isang batas na discriminatory at labag sa konstitusyon. “Hindi nito binigyang halaga – pagpapaliwanag pa nito – ang mga hakbang ng bansa: ang corrective manoeuvres noong Agosto ng pamahalaan ni Berlusconi, ang decrees “Save Italy” at “Grow Italy “, pagkatapos ay naging batas, at pati na ang sa simplifications. Ang assembly ay bumoto ng isang teksto na titigil sa harapan ng Constitutional Court dahilnaglalaman ito ng mga iregularidad na dahilan”.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

THE GRADUATION – Unang bahagi

“Sweet Opera”, binuksan sa Roma