in

Batas sa pagpapatalsik, hinihintay upang matanggal ang reato di clandestinità

Nangangailangan ng isang batas na ipatutupad kasabay ng pagtatanggal sa krimen ng ilegal na imigrasyon, para sa mas mabilis na proseso ng pagpapatalsik at mas mahigpit na parusa sa sinumang gagawa ng masama. 

 

Roma, Enero 12, 2016 – Pagtatanggal sa reato di clandestinità o ilegal na imigrasyon bilang krimen? Hindi pa, habang sinusubukan ang pagkakaroon ng mga bagong aksyon na magpapadali at magiging sanhi ng mas epektibong pagpapatalsik sa mga undocumented.

Ayon ito kay Matteo Renzi, kasabay ng pag-amin na ang krimen ay walang halaga at hindi kailangan. Ngunit patuloy na ipinagpapaliban hanggang sa panahong hindi pa alam, ang akasyong hinihingi ng Parliaymento isang taon at kalahati na ang nakakalipas. Dahil hindi umano ito mauunawaan ng mga Italiyano, ang tanging dahilan ni Renzi.

Ang krimen ng ilegal na imigrasyon – kinumpirma kaninang umaga ng Premier sa isang panayam sa Repubblica TV, ay matatanggal lamang kung malinaw na ang package ng gobyerno ukol sa batas na ito. Hindi natin maaaring pahintulutang isipin ito sa panahong para sa public opinion ang seguridad ay nauugnay sa imigrasyon.

Nangangailangan ito ng isang batas na kasabay na ipatutupad, habang tinatanggal ang krimen, na walang halaga at hindi kailangan, para sa mas mabilis na proseso ng pagpapatalsik at mas mahigpit para sa sinumang gagawa ng masama”. Ang ideya ay ang paglulunsad ng mga batas na hindi lamang magpapadali sa trabaho ng mga hukom bagkus ay magpapanatag din sa mga mamamayan.

Ngunit kailan magkakaroon ng package na ito? Hindi pa alam. Tiyak na hindi pa sa susunod na Council of Ministries na nais na tanggalin ang dekreto sa decriminalization. “Amin itong ginagawa sa kasalukuyan – paliwanang ng Presidente ng Konseho – maging ang ukol sa koneksyon nito sa batas ng Europa at ito ay dapat pamahalaan ng maayos….”.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinoy dance concert tagumpay sa ikalawang taon

Blue card o super permit to stay, hindi epektibo ang sistema sa Italya