in

Bayaran ng kontribusyon ng mga colf, babysitters at caregivers, hanggang Jan 11

Ang unang petsa ng pagbabayad ng kontribusyon para sa taong 2016 ng mga colf, babysitters at caregivers ay hanggang Jan 11, 2016.

 

Roma, Enero 5, 2016 –  Ang mga employer ng colf, caregiver o babysitter ay may panahon hanggang Jan 11 upang bayaran ang kontribusyon ng social security para sa mga buwan ng Oktubre, Nobyembre at Disyembre 2015. Bukod dito, ay pinapaluwalan o binabayaran muna ng employer ang halagang dapat bayaran ng worker, na maaaring kaltasin na lamang sa sahod ng mga ito.

Maraming paraan upang ito ay mabayaran. Maaaring sa pamamagitan ng internet, sa www.inps.it; sa pamamagitan ng telepono sa pagtawag sa call center sa numero 803 164 at gamit ang credit card; o sa pamamagitan ng bollettino MAV na ipinadadala ng Inps sa employer o ito ay maaaring gawin din sa pamamagitan ng website; sa mga tobacco shops, mga bangko at post offices na Reti Amiche circuit.

Ang halaga ay nag-iiba batay sa suweldo, ngunit ang mga trabahong higit sa 24 oras bawat linggo ay mayroong flat amount. Bukod dito, para sa mga determinato ang kontrata (maliban na lamang kung naka leave dahil sa pagkakasakit o pagbubuntis) ang halaga ng kontribusyon ay mas mataas.

Sa unang pagbabayad ng 2016 na nakalaan para sa huling tatlong buwan ng nakalipas na taon ay gagamitin ang halagang balido para sa taong 2015.

Paalala: Bukod sa kontribusyon sa Inps, ang employer ay kailangan ring bayaran ang Contributo di assistenza contrattuale (Code F2) para sa Cassa Colf. Ang halaga para sa taong 2015, maging determinate o indeterminate man ang kontrata, kahit ilang oras ang trabaho o ang halaga ng sahod ay 0,03 (ang 0,01 ay ang bahagi ng worker) kada oras.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Chef Nestor, ang pangalan sa likod ng tagumpay ng 3 Sushi bar & Japanese restaurants

Rampahan ng mga chikiting pambungad ng Christmas event