in

Benepisyon rin para sa mga malaking pamilyang migrante na mayroong carta di soggiorno

Ang tulong ng mga Munisipalidad, para din sa mga non-EU nationals na mayroong carta di soggiorno.

altRome – May halagang1700 euros bawat taon, na hinahati sa labintatlo buwan. Ito ay ang tulong o benepisyong mula sa mga munisipyo sa buong Italya  na ibinibigay sa mga pamilya na mayroong takdang kita o sahod at mayroong tatlong menor de edad na anak.

Sa website ay Istat, ay ipinahihiwatig na kinakailangang kasama ng ibang mga requirements ang Italian citizenship o ang pagiging EU-national upang makatanggap ng benepisyo. Isang kamakailan lamang na sentensya ng hukuman ng Rome, ang naghayag na ang benepisyo ay dapat ding ibigay sa mga migranteng mayroong long-term residence permit o lalong kilala bilang carta di soggiorno.

Ito ay ang resulta ng isang kaso ng abugadong si Luca Santini, na may patronage ng INCA sa Rome. Ang patronage ay kumilos upang maprotektahan ang isang non-EU national na mayroong carta di soggiorno at tinanggihan ang kanyang request upang makatanggap ng benepisyo.

Sa gitna ng kaso, ayon sa isang note ng patronage, ang Directive 2003/109/EC ay nagtatag ng pagkakapantay-pantay na pagtingin sa lahat ng mga non-EU nationals na mayroong carta di soggiorno at mga mamamayang Italyano upang makatanggap ng social service, assistance at protection. Samantala ang mga EU nationals ay tumatanggap ng mga parehong pangunahing serbisyo.

“Para sa mahahalaga at pangunahing benepisyo – ayon sa Hukuman ng Roma – dapat na maunawaan ang may ugnay sa minimum na kita, pag-aalaga para sa mga sakit, pagbubuntis, pagtulong sa magulang at pag-aalaga ng matagalan kabilang din ang pag-aalaga sa magulang, at  malinaw na ito ang layunin ng pagkakaloob ng mahahalagang benepisyo para sa mga pamilya na mayroong tatlong menor de edad na mga bata, na kung saan ay naglalayong matiyak ang financial aid sa mga pamilyang malaki ang pangangailangan. “

“Anumang eksepsiyon sa prinsipyo ng pagkakapantay-pantay – ayon pa rin sa hatol – ay dapat na may patunay ng isang tiyak at makatwirang dahilan, upang hindi sundin ang Artikulo. 3 ng ating Saligang-Batas. “

Ang Korte ay kinondana ang INPS ang ahensiyang nagbibigay ng benepisyo.

Ito ay hindi ang unang pagkakataon: kahit ang Hukuman ng Gorizia, halimbawa, noong Oktubre 2010 ay gumawa ng parehong desisyon sa isang apila ng isang mamamayan ng Kosovo sa pamamagitan ng ASGI. Ilang mga karagdagang lawsuits ang gagamitin upang baguhin, ang mga requisites?

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Spinosini 2000 with Omega 3, matitikman sa Maynila

Kontrolin online ang inyong kontribusyon, narito kung paaano