Mabigat ang mga tunggalian sa pagitan ni Prime Minister Silvio Berlusconi at ng puwersa ng hukuman. Sa pagkakasangkot ni Berlusconi sa apat na iba’t ibang mga kaso, siya ay akusado sa child prostitution, sa pandaraya sa buwis at pakikipag sabwatan sa isang saksi. Kasama ng kanyang mga supporters, gayunpaman, itinuturing nito ang sarili bilang biktima lamang ng mga pag-uusig ng mga hukom na nais syang patalsikin mula sa pamamahala.
Sa kadahilanang ito, hindi kailanman pinalampas ni Berlusconi ang mga pagkakataon upang atakihin ang mga hukom sa publiko, at palaging binabanggit na ang kanyang mga taga usig ay nag-nanais na pasamain ang pamahalaan at ikinukumpara pa ang mga ito sa Red Brigades, isang grupo ng mga komunistang terorista.
Kasalukuyang mainit pa rin ang klima at nananatiling hindi pinapakinggan ang mga panawagang ng Presidente ng Republika Giorgio Napolitano na huminahon. Samantala, noong Abril, inaprubahan ng Kamara, sa kabila ng mga protesta ng oposisyon, ang isang bill na magpapa-igsi sa panahon ng proseso sa mga paglabag diumano ng mga akusado. Kung sa Senado ay lalabas din ang ‘oo’, ang bagong batas ay susuportahan pa rin si Berlusconi.