Ang MoneyGram International, isang nangungunang kumpanya sa money transfer, ay nagsusulong sa kahusayan ng libu-libong entrepreneur na dayuhan sa Italya at nagbibigay gantimpala at parangal sa pagpapatakbo upang makamit ang tagumpay na tila nasa sariling bayan. Ang mga parangal ay pinili sa pamamagitan ng Board of Judges na nangunguna sa larangan ng industriya, entrepreneurship at academic level, na pinangunahan ni Vincenzo Boccia, ang Pangulo ng kompederasyon ng Confindustria.
Ang Africa ay ang kontinente na naging bituin ng mga parangal sa taong ito. Dahil dito nagmula ang 15 mga finalists, isang positibong senyales ng pag-unlad sa isa sa mga pangunahing kontinente ng mundo.
Noong Hunyo 23 sa Roma ay ginanap ang ikatlong edisyon ng MoneyGram Award, Entrepreneurship Award para sa mga imigrante sa Italya. Ang pinaka-prestihiyosong parangal , ang ‘Best Migrant Entrepreneur 2011’, ay iginawad kay Jean Paul Pougala at iba pang limang mga parangal sa kategorya ng Growth, Employment, Innovation, Youth Entrepreneurship at Social responsibility. Hinirang din ang mga sumusunod na tumanggap ng parangal sa iba’t-ibang mga kategorya, Nelu Mega (Romania), Hussan Lal (Indya), Kahindo Katirisa (Congo), Maria Angelica Echeverria Muñoz (Colombia) at Thomas Myladoor (India).
Si Jean Paul Pougala ay ipinanganak sa Cameroon noong 1962 at dumating sa Italya noong 1985 upang ipagpatuloy ang pag-aaral sa Economics and Commerce. Kasalukuyang naninirahan sa Turin at madalas magtungo sa Ginevra kung saan nagtuturo ng Socioogy at Geopolitics .
Noong 1994 ay itinatag ang “Election Campaign Store”, na syang aktibong gumagawa at nagsu-supply ng mga materyales para sa campaign.
Ang kumpanya ay nagbibigay din, bukod sa mga pangunahing materyales, ng consultancy sa pages set-up ng mga campaign. Ang unang target ng kumpanya ay ang Africa at ito ang nag-supply sa walong election campaign sa Africa bukod sa pagiging aktibo rin sa naging eleksyon sa Perù at Germany. Pumirma na rin ng kontrata sa darating na Presidential election sa France sa taong 2012.
Sa ngayon ay mayroong 20 empleyado ang naturang negosyo at may paglagong umaabot sa 11% sa taong 2011.
Si Nelu Mega ay ipinanganak sa Focsani (Romania) noong 1973, dumating sa Italya noong 1995 at nanirahan sa Aprilia (Latina). Iginawad ang MoneyGram Award para sa kategoriyang ‘Growth’.
Noong 2005, sya ay nagtatag ng Construction Company sa Latin America ang “Mega Edilmega Nelu”. Sa kabila ng krisis, ang kanyang kumpanya ay lumago sa 2011, dahil sa kahusayan sa pagkukumpuni . Inaasahan ang paglago ng 33% sa pagtatapos ng taon.
Si Hussan Lal ay ipinanganak noong1966 sa India at kasalukuyang naninirahan sa Castellucchio (Mantova). Pinarangalan sa kategoriyang ‘Employment’.
Si Lal ay nasa agricultural sector. Sya ay ngatatanim at nag-aani ng mga prutas at gulay. Ang kanyang mga manggagawa mula sa 24 noong 2008 ay umabot na sa 34 noong 2010. At ang kanyang sales ay halos nadoble mula taong 2008 hanggang 2010.
Si Kahindo Katirisa ay ipinanganak sa Congo noong 1965, dumating sa Italya noong 1997 bilang isang refugee. Kasalukuyang naninirahan sa Roma at pinarangalan sa kategoriyang ‘Innovation’.
Sya ang nagtatag sa Roma noong 2010 ng Barazavenir, isang shipping company ng mga recycled products sa Italya . Ang pangunahing bansa kung saan dinadala nag mga produkto ay ang Conga. Sumasaklaw sa pangongolekta, paghiwa-hiwalay at pagpapadala’t pagbebenta ang kanyang Gawain.
Si Maria Angelica Echeverria Muñoz ay ipinanganak saColombia noong 1983 at dumating sa Italya noong 1996 at kasalukuyang naninirahan sa Casarile (Milan). Pinarangalan sa kategoriyang ‘ Youth Entrepreneurship’
Noong 2008 ay nagtatag ng sariling discography ‘Blue Sound Estudios’ para sa mga musika ng South America. Sa kasalukuyan ay may 12 empleyado. Ang kumpanya ay sumasaklaw sa paggawa ng mga proyekto at paglikha ng mga musical instruments na panglokal at internasyunal.
Si Thomas Myladoor ay ipinanganak sa India noong 1975at kasalukuyang naninirahan sa Roma. Pinarangalan sa kategoriyang ‘Social Rsponsibility’.
Sa Roma ay pinatatakbo ang isa sa mga pangunahing Indian Restaurant at pangalawang World Food and Ethnic Cuisine sa loob lamang ng tatlong taon ay nakapagtatag ng “Mother and Child” isang non-profit organization na kumukupkop sa 200 bata at 70 single mothers. Sa Italya, sa kanyang restaurant ay nagbibigay ng free meals sa mga taong nangangailangan.
Ang non-profit organization sa India ay tumutulong sa mga kabataang gumawa ng mga proyekto at lumikha ng mga moyebles na Italian design. Tinutulungan ng foundation na mamuhunan ang mga kabataan at makapagbigay ng hanapbuhay sa kanyang mga kababayan.