in

Bilang ng mga mga-aaral na dayuhan sa Italya, ayon sa MIUR

“Gli alunni nel sistema scolastico italiano – A.S. 2015/2016”, inilathala ng Ministry of Education, University and Research o MIUR

 

Ang bilang ng mga mag-aaral na dayuhan sa bansa ay tumaas ng 0,1% sa scholastic year 2015/2016 kumpara sa scholastic year 2014/2015 at kumakatawan sa 9,2% ng kabuuang bilang ng mga mag-aaral (ang 10.4% sa nursery, ang 10.6% sa grade school, 9.4% sa first degree high school o middle school at 7% sa second degree high school. Ito ay tumutukoy sa kabuuang bilang na 814,851 mag-aaral, na sa huling taon ay dumami ng 653 mag-aaral o 0.1%.

Ito ang inilathala ng Ministry of Education, University and Research o MIUR sa ulat nitong “Gli alunni nel sistema scolastico italiano – A.S. 2015/2016”.

Sa huling taon, ayon pa sa ulat, ang mga mag-aaral na dayuhan na ipinanganak sa bansa ay may bilang na 478,522 at ito ay tumaas ng 28,093 o +6.2%. Ang mga ipinanganak na dayuhan sa bansa ay kumakatawan sa 5.4% (3.7% noong 2011/2012) sa kabuuang bilang ng mga mag-aaral, habang kumakatawan naman sa 58.7% sa mga mag-aaral na walang italian citizenship. 

Ang mga pangunahing nasyunalidad ng mga mag-aaral sa bansa:  

 

Bukod dito, ayon pa rin sa pinakahuling ulat ng MIUR ay patuloy ang pababa ng bilang ng mga Italians at kabaligtaran naman ito para sa mga dayuhan. Sa katunayan, ang mga foreign enrolees mula 2009 hanggang 2015 ay tumaas ng 20.9% habang ang mga Italians naman ay bumama ng 2.7% mula 8.283.493 sa 8.058.397. 

Sa huling dekada ay lalong dumami ang mga dayuhang mag-aaral sa grade school: 291,782 (o ang 10.4% ng kabuuang bilang), habang 187,357 mag-aaral naman sa high school (7% ng kabuuang), 167,068 mag-aaral sa middle school (9.6%), at 167,980 bata sa kindergarten (10.2%).

Ang bilang ng mga mag-aaral na walang italian citizenship ngunit ipinanganak sa Italya ay patuloy ang pagdami at sa katunayan ay nadoble simula 2007. 

 

Samantala, malaki ang pagkakaiba sa pagpili ng kurso o degree ng mga dayuhang mag-aaral sa unibersidad. Ang mga pangunahing komunidad sa bansa ay karaniwang social science tulad ng Romanians (40%), Albanians (46%), at Chinese (41%). Ngunit ito ay hindi pareho sa lahat. Para sa mga Peruvians (38.9%), Filipinos (36%), Indians (50.9%) at Tunisian (40.5%) ay scientific studies naman ang napipiling kurso. 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Trevi fountain, may controlled access na!

Family Reunification, lubos ng online ang proseso ng mga aplikasyon