Ang bilang para sa conversion ng huling decreto flussi ay itinalaga ng Minsitry of Labor sa mga probinsya. Green light sa conversion mula sa seasonal permit to stay kung totong nagkaroon ng hiring at tinapos ang first period ng trabaho.
Roma – Marso 30, 2015 – Higit sa pagpasok ng mga dayuhan mula sa ibang bansa (5,500), ang decreto flussi na inilathala noong nakaraang Disyembre ay tila pagbibigay pagkakataon lamang sa mga dayuhang nasa Italya na, dahil pinahihintulutan nito ang conversion ng 12.350 permit to stay sa self employment at subordinate job.
Kahapon, ang Ministry of Labor ay itinalaga sa lahat ng mga lalawigan sa buong Italya (7458) ang angkop na bilang para sa conversion ng permit to stay, upang matugunan ang mga aplikasyon na isinumite sa mga Sportelli Unici per l’Immigrazione. Ang nalalabi ay ibabahagi naman batay sa pangangailangan sa mga susunod na buwan.
Isang circular buhat sa Ministry, bukod sa nagtataglay ng mga talaan ng mga bilang sa bawat lalawigan sa bawat uri ng conversion, ay natuon ang pansin sa conversion ng mga seasonal permit to stay. Partikular ang dalawang kundisyon na dapat suriin bago ang pahintulutan ang conversion:
– Kung ang seasonal worker na pumasok sa bansa ay totoong na-empleyo bilang seasonal worker. Ang patunay ay ang comunicazione obbligatoria di assunzione, sa panahong hindi bababa sa 3 buwan, na ginawa ng employer
– Ang pagkakaroon ng sapat na requirements para sa hiring ng bagong trabaho determinato o o indeterminato man (short o long term). Ito ay maaaring gawin lamang sa expiration ng unang pahintulot at ang aplikasyon ng conversion sa expiration ng permit to stay for seasonal job.