Matagal ang proseso sa pagkilala sa kwalipikasyon, labis ang burukrasya at malabo ang mga batas ng super permit to stay para sa mga highly qualified foreign workers.
Roma, Enero 13, 2016 – Ito ang tinatawag na ‘quality migration’ at ito rin ang tila hinahangad ng Italya at Europa. Programmers, engineers, professors at iba pa… mga propesyong tinapos kapalit ang malaking halaga sa sariling bansa at ito ay gagamitin sa pagpasok sa Italya.
Para sa mga highly qualified foreign workers, ay gumawa ang Europa ng super permit to stay, ang tinatawag n EU blue card, na nagtutumbas sa mga non-EU sa mga Europeans. Ito ay ibinibigay din sa Italya na nagbibigay ng magagandang pagkakataon sa mga dayuhan: maaaring walang limitasyon sa bilang na pumasok sa bansa, sa panahong sila ay kinakailangan.
Ngunit sa Italya ay tila mahina ang appeal nito o hindi epektibo ang sistema nito. Sa katunayan, simula 2012, nang simulang ipatupad ang blue card ay nakapag-isyu lamang ng higit sa 600 blue cards sa loob ng 1300 aplikasyon. At para sa mga pinalad na magkaroon nito, ay halos manghina sa paghihintay hanggang sa halos mawalan na ng pag-asa ang mga workers at companies.
Ganito ang naging karanasan ni Sate Kasouha, 39 anyos, isang Syrian veterinarian. Sa maraming taon ay naging consultant sa Middle East ng isang kumpanya na gumagawa ng gamot at suppliments para sa mga hayop sa Sulbiate, malapit sa Milan. Ngunit ng magpasya ang kumpanya na i-hire sa pamamagitan ng blue card, ay nagsimula ang hirap sa pagkakaroon nito.
Ang aplikasyon sa nulla osta ay sinimulan noong Agosto 2014, at makalipas ang 16 na buwan ng paghihintay, ay nagawa, sa wakas, ang hiring o asunzione. Ito ay matapos mamagitan ang Cisl ng Milan na matiyagang sinundan ang kaso at salamat rin sa pagsusumikap ng Questura at Prefettura.
“Ang batas ay hindi angkop at masyadong mahirap, kahit para sa mga highly qualified workers”, ayon kay Maurizio Bove, ang presidente ng Milan Anolf Cisl. Sa trabaho na mabilis na takbo ng panahon ay hindi dapat ang paghihintay ng matagal. Ito ay hindi makatarungan para sa kumpanya at para sa worker”.
Matagal ang proseso sa pagkilala sa kwalipikasyon, labis ang burukrasya at malabo ang mga batas. Normal, ayon pa kay Bove, na ang quality immigration ay maghanap ng ibang pamamaraan at ang mga kumpanya na nawawalan ng pag-asa ay hindi na ito pinaniniwalaan: “At maging ang kultura, na sundin ang proseso para sa manual job ng sinuman na nagnanais ng dayuhan, ay tiyak na hindi nakakatulong”.