in

Blue Card, pagkilala sa professional qualifications, nilinaw ng Ministry

Ang Ministry ay nagbigay ng dalawang pamamaraan para sa mga highly-qualified workers na nagnanais magtungo ng Italya. Ito ay ang para sa mga regulated professions at non regulated.

Roma – Dec 12, 2012 – Ang Legislative Decree No. 108 ng June 28, 2012 ay ipinatutupad simula noong nakaraang Agosto 8, bilang adaptasyon sa European Directive 2009/50/EC, at ang  Italya ay nagbukas ng isang priviledge channel para sa pagpasok ng mga highly qualified workers mula sa ibang bansa. Sila ay maaaring makapasok ng bansa nang walang anuman quota decree at sa anumang panahon ng taon, ayon sa pangangailangan ng mga kumpanya. Sila ay magiging EU blue card holders o isang super permit to stay na magbibigay daan sa higit na karapatan kumpara sa ibang mga immigrant workers.

Ang decree ay inilathala sa Official Gazette no. 171 noong July 24, 2012.

Paano kikilalanin ang isang highly-qualified worker? Ayon sa batas, dapat ay naka-kumpleto sa sariling bansa ang isang higher education course na nagtagal ng tatlong taon at nakatapos ng kurso bilang qualified professional na kabilang sa level 1,2, at 3 ng Istat classification of professionals CP 2011. Upang maging qualify sa regulated professions ay dapat na nagtataglay din ng mga requirements na itinalaga ng batas.

Noong nakaraang Biyernes, ang Interior Ministry ay nagbigay ng mga mas malinaw na indikasyon upang kilalanin ang mga highly-qualified professionals buhat sa ibang bansa, at nagbigay ng dalawang indikasyon.

Para sa mga regulated professionals sa Italya, ayon sa Circular, ang pagkilala ay hihingin sa awtoridad na nabanggit sa “Artikulo 16 at 17 ng dl noong Nobyembre 6, 2007, bilang 206", na mayroong tatlumpung araw upang tumugon.Nangangahulugan, halimbawa, ang mga nagta-trabaho sa sektor ng kalusugan ay dapat makipag-ugnayan sa Ministry of Health, ang sinumang nasa sektor ng sport naman sa Kagawaran ng mga Kabataan at sports activity ng Council of the president.

Pagkatapos nito ay ang tema ng "paghahambing at pagkilala" sa mga qualified professions sa ibang bansa ngunit hindi regulated sa Italia. Sa ganitong mga kaso, ang worker o ang kumpanya na nagnanais papuntahin ang worker sa Italya ay nararapat na magsumite ng aplikasyon sa Minsitry of Education, University and Research, gamit ang isang form na nakalakip sa Circular ng Ministry of Interior. 

Kasama ng application ay dapat ring isumite ang kopya ng mga authenticated diploma, translated at legalized at lakip ang declaration of value at ng transcript of exams and records. Ang procedures na ito ang magpapahintulot sa Ministry upang gawin ang pagkilala sa madaling panahon.

Circular

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mali ang ilang datas sa aking birth certificate. Bilang ofw sa Italya, ano ang aking dapat gawin?

EU Blue Card – Paano mag-aplay nito?