in

Bonino – “Igalang ang panahong nakatakda para sa mga permit to stay”

“May isang batas na nagtatakda ng tamang panahon, samantala ang daan-daang libong mga dayuhan ay nasa isang malabong sitwasyon at ito hindi nila kasalanan”.

altRoma – Marso 7, 2012 – “Walang batas na nanatili at iginagalang sa ating bansa.  Isang kasong para sa lahat:. Ang tema ng mga imigrante at ng kanilang mga permit to stay “, ayon kay Emma Bonino, ang Vice-President ng Senado, sa isang panayam ng  Radio Radicale.

Ipinaalala ni Bonino na “mayroong isang batas na nagtatakda ng panahon para sa renewal ng mga permit to stay, ngunit sino ang mag-iisip na ito ay hindi igagalang ng mga institusyon. Ang resulta nito ay ang daan daang libong mga imigrante na naghahanap-buhay sa ating bansa, na nasa malabong sitwasyon at sa pagitan ng legalidad  at iregularidad at ito ay hindi nila kasalanan. “

Ayon pa sa lider ng Radical , ito ay “ang patunay sa kabuuang konteksto  ng Italian party system, ang consistency  ng  mga taong naniniwala na ang paglabag sa batas na ito ay kumakalat mismo mula sa institusyon. At nagunguna, sa katunayan, na mas mahalaga ang gumawa ng batas kaysa sa pagpapatupad ng mga ito”.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Reporma sa citizenship at right to vote, nasa Parliyamento na

Pinoy malubha, matapos makalanghap ng monoxide