in

Bonino: Mga kababaihang migrante para sa mabilis na integrasyon

“Ang imigrasyon ay may dalang maraming pagkakataon gayun din ng maraming problema, ngunit hindi tayo dapat maging panatag  tulad ng ating ginawa sa nakaraan".

Roma, Dec 12, 2012 – “Kailangang pagtuunan ng pansin ang mga kababaihang migrante para sa isang mabilis na integrasyon. Sila ang nagdadala ng anak sa paaralan, sa ospital, sila rin ang humaharap sa mga suliraning burokratiko ng mga dokumento. Nangangailangan sila ng mabilis na integrasyon higit sa iba, dahil na rin sa bigat ng kanilang mga responsabilidad”.

Ito ang pananaw ng VP ng Senado na si Emma Bonino, sa kanyang pagsasalita kaninang umaga sa isang Conference sa Roma “Il ruolo delle donne migranti”, ng IOM –International Organization for Migration, para sa nalalapit na International Day for Migrant. Ang nasabing pagdiriwang ay dinaluhan rin ni Mario Marcona , ng Ministry of Cooperation and Integration, William Lacy Swing, ang General Director ng IOM at ni Osce Riccardo Migliori, Chairman of the Assembly.

Ang imigrasyon, dagdag pa ni Bonino, “ay maraming posibilidad at marami ring problema, ngunit hindi tayo dapat maging panatag tulad ng ating ginawa sa nakaraan. Ang migrasyon, paliwanag  ng VP ng Senado, ay hindi isang emergency bagkus ay isang structural”.

Sa nakaraang taon, ang gobyerno ni Monti ay hindi naging disidido sa politika ng mga pagbabago, ngunit nakatulong upang lumikha ng isang bagong pananaw sa mga migrante mula sa kultura hanggang sa wika. Noong una, ang sitwasyon ay ibang iba – paalala ni Bonino – mayroong mga taong inisip na tanggihan ito at mayroong tumawag sa mga ito na 25,000 human tsunami".

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

RH Bill, lusot sa second reading sa Kamara

Huling quota decree, kakaunti ang aplikasyon para sa conversion ng permit to stay