Marami na ang nag-aplay para sa tulong pinansyal na nakalaan sa mga mayroong mababang kita, Boeri (Inps): “Dumami ang mga mahihirap sa Italya”
Roma – May 20, 2015 – Mayroon ng 15,000 aplikasyon para sa kilalang bonus bebè, ang kontribusyon na maaaring umabot sa € 160 kada buwan sa loob ng 3 taon para sa bawat batang ipinanganak o inampon simula Enero 1, 2015.
Ang posibilidad na magsumite ng aplikasyon ay sinimulan lamang nitong Mayo 11, matapos ang matagal na pagkaka-antala. Ngunit ang mga new parents ay hindi nag-atubuli, tulad ng kinumpirma kamakailan ng presidente ng Inps na si Tito Boeri sa isang hearing sa Parliyamento.
Hindi naman nabanggit kung ilan sa mga ito ang aplikasyon buhat sa mga imigrante, ngunit binigyang-diin ang naging epekto ng krisis sa ekonomiya sa Italya. Ipinaalala, halimbawa, na ang porsyento ng mga pamilya na mas mababa sa itinakdang pamantayan ng kahirapan ay tumaas mula 18% sa 25%, mula 11 sa 15 milyon”.
Ang bonus bebè ay inilaan para sa mga mahihirap na pamilya, na ang ISEE ay hindi tataas sa € 25,000. Ito ay para rin sa mga EU nationals at non-EU nationals na mayroong carta di soggiorno at asylum o temporary protection.
Basahin:
Bonus bebè, simula na ng aplikasyon