in

Bonus bebè – Mag-aplay din ang sinumang may ordinaryong permit to stay

Ang online system ng INPS ay hindi esklusibong naglalaan ng bonus sa mga carta di soggiorno holders lamang. Ang opinyon ng mga patronati: “Ipadala ang aplikasyon, tayo ay mag-aapila kung sakaling tatanggihan”.
 

 

 


Roma – Hunyo 4, 2015 – Hinintay ng matagal na buwan ang bonus, ngunit sila ay hindi kabilang sa mga makakatanggap nito. Para sa mga magulang gayunpaman, ay hindi pa huli ang lahat.

Isang balik-tanaw. Ayon sa batas, matatanggap lamang ng mga dayuhan ang bonus kung mayroong EC long term residence permit o carta di soggiorno, asylum o humanitarian protection permit to stay.

Ang parehong batas ay binatikos ng Batas ng Europa, na kasalukuyang ipinatutupad na, kung saan nasasaad na ang mga mayroong permit to stay na may pahintulot mag-trabaho ay may pantay na karapatan tulad ng mga EU nationals – at samakatwid  katulad din ng mga Italians – sa pagtanggap ng mga social services. Ang bonus bebè, samakatwid, ayon sa batas, ay nakalaan rin sa mga mayroong permit to stay for subordinate job, self employment, para rin sa attesa occupazione at motivi familiari.

Kaugnay nito, sa ipinalabas na circular ng Inps kung saan matatagpuan ang mga detalye ng bonus bebè, ay makikita ang pagsunod nito sa batas ng Italya at nasasaad na nangangailangan ng carta di soggiorno, ngunit sa isang banda,ay nag-iwan ng isang pangungusap na nagbibigay ng pahintulot: ang sistema nito online ay nagpapahintulot rin sa sinumang mayroong uri ng dokumento na hindi carta di soggiorno na sagutan at ipadala ang aplikasyon. At dahil dito ang mga patronati ay ipinapayo sa mga imigrante na mayroong hawak na permit to stay na balido sa pagta-trabaho ang subukang mag-aplay.

Halimbawa, para sa mga patronati na Inca Cgil, pati ang Anolf at Inas Milan ay sinabing: "Batay sa prinsipyo at ilang kaso ukol sa diskriminasyon, sa nakaraan ay ibinigay rin ang katulad na benepisyo sa mga mayroong permit to stay, ang bonus bebè ay dapat ding kilalanin at ipagkaloob sa sinumang mayroong permit to stay na balido sa pagta-trabaho. At dahil sa nabanggit, sila ay maaaring magpadala ng aplikasyon sa Inps”.

Ano ang mangyayari sa mga aplikasyong ito? Malinaw – paliwanag ng Inca Cgil – sa kasalukuyang estado ay tatanggihan ang mga ito. Kakailanganin ang magpatuloy sa pagpapadala ng administrative and legal appeal. At dahil marahil sa tanggihan ang mga aplikasyon, gagawin natin ang lahat upang protektahan ang  karapatan ng mga dayuhan sa panahon ng kanilang pag-aapila”, pangako ng Anolf at Inas Milano.
 
Sa madaling salita, ang payo ay ipadala ang aplikasyon, dahil ito ay libre naman sa panahong hinhingi nito: sa loob ng 90 araw mula sa kapanganakan/pag-aampon o hanggang July 27, 2015 sa mga ipinanganak sa pagitan ng January 1 hanggang April 27, 2015. Kung ito ay tatanggihan, ay maaaring mag-apila, na malaki ang posibilidad  ng pagkapanalo, ngunit ang mas malaking pag-asa ay ang pagpapalit ng pananaw ng gobyerno o ng Inps, bilang pagsunod sa batas ng Europa at buksan ang bonus bebè sa lahat ng mga imigrante.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bagong pamantayan at halaga ng ‘assegni per il nucleo familiare 2015-2016′, itinakda ng Inps

Believe, ang dance music ngayong summer!