in

Bonus bebè para rin sa mga imigrante na mayroong permit to work

Tinanggap ng Bergamo Court ang apila ng isang Albanian mother at binatikos ang requirement ng carta di soggiorno: “Isang diskriminasyon at labag sa batas ng Europa” Guariso (Asgi): “Baguhin ang batas”

 

 

Roma, Abril 20, 2016 – Ang carta di soggiorno ay hindi kailangan. Kahit ang mga magulang na mayroong simpleng permit to stay na maaring gamitin sa trabaho ay may karapatang makatanggap ng bonus bebè. 

Kabaligtaran ang sinasabi ng gobyerno at Inps na ipinagkakait ang allowance (80 o 160 euros kada buwan sa tatlong taon) sa maraming new parents. Ngunit ayon sa hukom ng Bergamo, na kamakailan ay binigyang katwiran ang Albanian mother at ipinagutos na ibigay ang bonus, kasama ang ‘arretrati’. Ang hukom na si Maria Vittoria Azzollini ay tinanggap ang apila sa pamamagitan ni Atty. Alberto Guariso ng Asgi.

Ang susi ay ang probisyon ng European Directive, ang 2011/98 / EU, na hindi pa naisasabatas ng Italya sa kabila ng lumipas na deadline, ngunit ito ay maipatutupad na. Nasasaad na ang mga imigrante na mayroong permit to work o mga permit to stay na maaaring gamitin sa trabaho tulad ng familiari at lavoro ay kapantay ng mga Europeans at samakatwid kapantay rin ng mga Italians sa pagtanggap ng social benefits. 

Sa stability law ng 2014, na nagtalaga sa bonus bebè, ay nasasaad na ang mga imigrante ay maaaring makatanggap ng naturang benepisyo kung nagtataglay ng EC long term residence permit o carta di soggiorno. Isang diskriminasyon. Ayon sa Asgi na mabilis na nag-report ng pangyayari at nanawagan sa gobyerno, Parliamento at sa Inps (na nagbibigay ng allowance) na sundin ang batas ng Europa, ngunit walang nangyari. 

Sa kabila nito ay binigyang katwiran ng hukom ang Asgi, at ipinaalalang ang direktiba na pinaiiral sa Italya ay dapat ding direktang ipatupad ng public administration. Samaktawid ang Inps, “ay kailangang itigil ang ginagawang diskriminasyon at ipagkaloob ang allowance ng € 1.920 bawat taon sa mga may karapatan nito hanggang sa ikatlong taon ng bata”. 

Inaasahan namin ang resultang ito dahil malinaw ang direktiba. Hinihintay lamang namin ang resulta ng ibang reklamong inihain tulad sa Como, Brescia at Milan ngunit sapat ang aming katwiran upang paniwalaang pareho ang magiging resulta dito” ayon kay Atty. Guariso. At samakatwid ay inaasahan ang hatol laban sa diskriminasyon ng hindi pagbibigay ng bonus bebè sa mga imigrante: “Sana ay naiwasan ito ng gobyerno at parliyamento, ngayon ay nangangailangan ng amendments para sa batas ng Europa”.

Ilang linggo na ang nakakalipas, ay inulit ng Inps na ang mga aplikasyong walang carta di soggiorno ay tatanggihan. Ang naging hatol ng hukom ng Bergamo ay nagpapawalang bisa dito at nagbibigay ng pag-asa, bukod pa sa ibang apila, sa pagsusumite ng aplikasyon ng sinumang naniwalang hindi kwalipado. “sa puntong ito – ayon kay Guariso – ay mahalagang kahit ang mga patronati na ipaalam at ipayo sa lahat na magsumite ng aplikasyon kung mayroong permit to stay na nagpapahintulot makapag-trabaho”. 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ilang Pinoy sa Roma dismayado, wala sa listahan ng Overseas Voters buhat sa Comelec

Mga paglilinaw ukol sa OAV buhat kay Ambassador Nolasco