Aprubado sa Culture Committee ang 500 euros na maaaring gastusin sa pagbili ng mga libro, pagpasok sa mga museo at mga theaters, para sa LAHAT ng mga kabataan na regular na naninirahan sa Italya.
Roma, Mayo 11, 2016 – Ang pagbibigay ng bonus cultura pati sa anak ng mga imigrante ay isang napakahalagang hakbang.
Inaprubahan kahapon sa Senado ng Culture Committee ang susog ng gobyerno sa decreto scuola na tuluyang nagtatanggal sa italian citizenship bilang requirement ng mga magdi-18 anyos upang magamit sa pagbili ng libro at pagpunta sa mga museum at theater. Sapat na ang “pagiging residente sa Italya at pagkakaroon ng balidong permit to stay”.
Sa pagsasabatas ng decreto scuola ay ganap na nabubura ang diskriminasyon na gobyerno na rin mismo ang naglagay sa huling Stability law. Sapat na panahon sa nalalapit na pagbibigay ng implementing rules sa pamamagitan ng dekreto ng Prime Minister ukol sa paraan ng pagbibigay nito.
Matatandaang sinubukang hadlangan ng centre-right coalition ang bonus. Ang Forza Italia at Lega Nord ay ninais na ipagkaloob lamang ang bonus sa mga Italians o ang ibigay lamang ito sa mga nakapasa sa integration agreement.